Meron po kaming buyer ng lupa. Under tax declaration pa po and under ng namantay naming Lola. Ok naman lahat ng papers (NSO, Extra judicial Settlement, etc.,). The only problem is yung buyer.
Una po kasi namin usapan is
30% DP Contract to Sell (para mabayaran ko din Estate Taxes)
35% BIR Clearance/Register of Deeds
35% Full Payment pag lilipat na sa name niya.
Gusto na nya kasi mangyari is Deed of Extra Judicial Settlement with sale and isang agreement regarding payment. Sabi niya i declare namin na 1M lang ang lupa for BIR purposes which I understand. So pumayag ako. ang kaso ung Payment arrangement namin is hindi na manonotarized.
Sa pagkakaintindi ko po, once I signed the Deed, mawawalan na po ako ng habol sakanya.
Ang sabi po sakin ng friend ko, pwede ako pumayag sa ganon pero meron padin Contract to Sell with Installment Plan na notarized and have the buyer issue checks.
Ang tingin ko po kasi i-loloan nya ang lupa sa bank. kaya nya gusto lipat agad agad name sakanya.
Pa tulong naman po if anong document mas maganda para hindi naman kami matalo sa huli pag hindi na sya nag bayad.
Maraming Salamat po!