Bumili po kami ng Brand new car last Oct 20, 2016 sa Hyundai. Bale nahihirapan po ako magpaapprove sa bangko kaya lumalabas po na inilipat sa akin yung approval ng iba na hindi na tumuloy sa pagbili ng kotse kaya hindi sa akin nakapangalan yung kotse. pero dumaan naman po kami sa legal na proseso. Before po kami magpunta sa Showroom ay matagal na po ako nakikipag usap sa agent/broker.
Yung araw rin po na iyon naiuwi namin yung kotse. Nagbayad po kami ng Downpayment at nagpunta ng Atty para sa mga legal na documents. Naibigay rin po nila sa akin ang OR at CR ng sasakyan. Naging maayos naman lahat hanggang last thursday Nov 10, 2016 nakareceived ako ng call mula sa agent at sinabi na nagkamali raw ang accountant ng Hyundai sa Monthly amortization, so imbis na 13,300 ay 14,300 raw po. Sobrang nabigla ako dahil mula day 1 na pakikipagusap ko sa agent ay malinaw naman lahat. At sa mismong OR ay 13,300 talaga ang nakalagay.
Sana matulungan niyo po ako kung anong pwede kong gawin? Kasi sa tuwing makakausap ko ang Hyundai ay inaamin naman nila yung pagkakamali pero wala silang binibigay na solusyon na parang sinasabi nila na I have to deal with it. Sinasabi ko naman na ibabalik ko nalang yung kotse pero ibalik nila ung Downpayment ko, ang sagot sa akin ay hindi ko na raw makukuha ng buo ung binayad ko kasi nailabas na raw yung kotse. Salamat po in advance.