Kelangan lng po ng advise tungkol sa problema . Kumuha po kami ng motor from Motortrade last Sep2007. Matatapos na po yung payment ko this Sept 15. Kaya lang po natanggal sa trabaho yung mister ko recently at hindi kami nakabayad ng monthly since July. Nakiusap na po kami ng ilang beses sa dealer kung pwede unti untiin namin yung bayad. Pero hindi po sila pumayag.
Gusto po nla kunin yung unit at kelangan bayaran namin w/in 30 or else hnd na namin xa pwd i claim ulit. Yun din daw kasi nakalagay sa contract. Kakasuhan daw kami if hindi namin isusurender yung unit sa kanila. Kulang nalang po kami ng total of 15k for Jul/Aug/Sep at more or less nakapagbayad na kami ng 85k sa unit na ang cash price e 55k
Natatakot po kami sa banta na kakasuhan kami, pero ayaw naman namin bitawan yung unit dahil sa laki na rin ng naibayad namin dun.
Pls help us po!