1.) Isa po akong Government employee, Administrative Aide-I yong posisyon ko dito, tama po ba yong ginagawa ng Division Chief namin na ayaw nya muna kami pauwiin kahit offtime na sa office (Working time: 8:00 am - 12:00nn and 1:00pm - 5:00pm) dahil marami pang trabaho. so trabaho naman kami, from 5:00pm to 7:00pm, or 9:00pm kaso wala kaming overtime pay, kahit may CSC-DBM Joint Circular No. 1 Series of 2015 about sa Government Overtime, kasi ang basihan nya ay yong "PANUNUMPA NG KAWANI NG GOVERNO" yung "Ako’y papasok nang maaga at magtratrabaho Nang lampas sa takdang oras kung kinakailangan", sa palagay ko with Overtime Pay yan. May Saturday pa na nag Overtime ako.
2.) May time na sinubukan ko umuwi ng umaga 3 days ko yon nagawa pagka 4th day pinatawag ako, bakit daw ako umuwi ng umaga, sabi ko offtime na Ma'am 5:00 PM na, pinagalitan ako dahil marami pang trabaho, sabi ko sa kanya Ma'am kailangan ko din asikasuhin sarili ko Ma'am, Nagalit sya akin lumaki daw "ULO" ko, pwede daw akong ipatanggal sa trabaho, hindi na ako sumagot dahil ayaw ko din mangyari yon.
TANONG.
1.) Tama po ba ginagawa ng Chief Division namin?
2.) Kung sakali ipatanggal ako sa trabaho pwede ko po ba syang ireklamo.
3.) Ano po ba laban ko sa kanya.