Hi po! I just would like to ask if possible akong makasuhan ng estafa by deceit. Ung comaker ko ang nakaltasan ng supposed payment ko. Nakikipagusap naman ako sa comaker ko and told her na wala naman akong intention na hindi siya bayaran. Nakiusap ako kung pwede ko bayaran pag nagkawork na ako. For 5 months, i've been applying for a job with no luck until now. May tumawag sa akin claiming na she's from the law office and is handling my comaker's case. Nakiusap din ako sa kanya same thing na kung pwede mabayaran ko yung utang ko na P12,400 pag nagkawork na ako. Hindi daw siya naniniwala na hindi ako makahanap ng work and even told me na kadalasan naman kung sino pa ang may utang, siya pa ang matigas. Inexplain ko naman na hindi naman ako nagmamatigas, wala lang talaga akong pambayad pa. They are insisting na baka pwedeng kausapin ko daw ang live in partner ko na tulungan ako sa payment since may katungkulan naman daw sa office yung partner ko. Inexplain ko naman na ung partner ko lang ang gumagastos sa amin ng anak namin dahil wala nga akong work at siya din ang bumibili ng gamot ng tatay niya na may diabetes. Pinipilit niya na kahit pakonti konti makabayad ako. Hindi aki pinapatapos nung atty na magsalita and magexplain. Sabi niya lang na try niya kausapin ang comaker and pag hindi daw pumayag, padadalhan daw ako ng subpoena then may pupuntang sheriff para kunin ang mga gamit sa bahay. Babayaran ko daw yung P12,400 plus P5,000 bayad sa kanila attorney's fee daw ma nagtataka ako na bakit ako ang magbabayad nun. Dapat yung comaker ko kasi siya ang kumuha sa kanila. Clearly, hindi niya tinatry ayusin ang situation and nagsa-side lang siya sa comaker ko. I felt threatened dun sa conversation namin kaya gusto ko po malaman, pwede po ba akong makasuhan ng estafa by deceit? Salamat po and sana makasagot po kayo agad para malaman ko kung ano ang gagawin ko.
Free Legal Advice Philippines