Nagpaplan po kami ng entrapment para sa nagbenta sakin ng fake na cellphones worth 40,000. Sabi ng seller original daw pero turned out na fake pala. I have proof na sinabi nyang original and nakalagay din sa ads nya. May proof na rin ako from Sony na fake yung binentang units sa akin.
QUESTIONS:
1. kung mahuli namin at iaareglo, nasa magkano ang max na pwede ko idemand na danyos? nasira kasi ako sa mga buyers ko at napahiya tapos inutang ko lang yung pinambili ko at tumutubo ito gada araw. Nasa tatlong linggo na kong hindi nakakapagbuy and sell dahil dito.
2. kung ikukulong sya, gano katagal kaya kung hindi sya aareglo?
3. pwede ko rin ba syang kasuhan sa paggamit ng pekeng pangalan? anong parusa para dito?
4. online seller sya, hindi nya ko binigyanng resibo nung bumili ako sakanya, pwede bang idagdag sa kaso nya to?