Nais ko po sanang kumonsulta sa inyo tungkol sa nangyari sa akin.
Nag resign ako sa previous employer ko at nakapag render ako ng 30 days. As part of my Exit Clearance, may Exit agreement forms ako na kelangan pirmahan ng manager ko.
Lahat ng items sa clearance checklist ko ay nagawa ko na maliban na lang dun sa exit forms na nasa manager ko. Ayaw nya iyon pirmahan sa kadahilanang wala pa daw syang nakukuhang confirmation sa clients na wala nang issues yung projects ko.
Gusto ko po sana itanong sa inyo kung karapat-dapat na wag nya pirmahan yung forms na nasa kanya ayon sa kanyang dahilan.
Yung projects ko ay totoong may issues (technical issues that are beyond my control and/or user error), pero nag handover ko at nakapag transition naman ako ng maayos (kumbaga ay nailipat ko sa ibang consultant yung projects ko nang maayos na may kumpletong documents).
Maraming salamat!