Free Legal Advice Philippines
Would you like to react to this message? Create an account in a few clicks or log in to continue.
Free Legal Advice Philippines

Disclaimer: This web site is designed for general information only and does not create attorney-client relationship. Persons accessing this site are encouraged to seek independent counsel for legal advice regarding their individual legal issues.

Log in

I forgot my password




You are not connected. Please login or register

Termination due to alleged misappropriation.

2 posters

Go down  Message [Page 1 of 1]

Enasurada1979


Arresto Menor

Good day po to all concerns,
#1. Bigla na lang po ako hindi na pinapasok sa trabaho nagsimula kahapon Aug.29,2016 dahil terminated na daw ako naka date sa notice ay Aug.3,2016 pa pala yung notice of termination ko pero kahapon ko lang nalaman at wala din ako narerecieved na 1st and 2nd notice for termination. Parang no proper termination po ata ang ginawa sa akin?

#2. They terminated me due to alleged misappropriation. Sa Lbc po ako at night shift duty ako, Ginamit ko kasi ang remittance ng customer namin para gamitin sa operation sa pang gas ng mga vans to not affected or hamper our operation. May mga resibo at testigo ako na magpapatunay na binawasan ko yung remittance at pinalitan ko ng vale slip. Para sa umaga palitan agad ng cash custodian namin kaso hindi binilang ng custodian associate kaya di nya napansin na kulang na yung pera at may vale slip hanggang sa matangap ng consignee yung pera at dun palang nalaman kaya nagreklamo ang consignee at napalitan nman agad that day. Ako lang po ang ginawan nila ng nte at termination pero yung cash custodian at delivery man nmin hindi nila binigyan ng memo for neglect of s.o.p.
Tapat po ang intensyon ko kaya ginawa ko yung hakbang na yun. Loyal po ako sa Lbc at trabaho ko. Naging team leader at oic ako morethan 1yr. Dahil sa sipag at tyaga ko sa trabaho. Hindi man lang nila binagyan ng credit or consideration yun.
Humbly seeking advise please... thank you very much and God bless po! ☺

council

council
Reclusion Perpetua

Pwede bang gamitin ang remittance ng customer para sa operations at palitan na lang ng vale slip? Nasa patakaran ba yan ng kumpanya?

Ano ba ang status mo sa kumpanya? Regular employee? Contractual na nire-renew? Ang pinapasukan mo ba ay pagmamay-ari ng LBC mismo - direct employee ka ng LBC at hindi ng iba?

Hindi ka ba pumapasok mula ng August 3?

At the very least dapat merong notice to explain at hearing galing sa kumpanya o sa manager mo.

http://www.councilviews.com

Enasurada1979


Arresto Menor

Hindi daw po pede huli ko na nalaman. Hindi po kasi aware tungkol dun. Pero kung nalaman ko po na hindi pede yung ganun ay hindi ko po gagawin kahit ma hamper ang operation nmin. Ako kasi kumukuha ng lahat ng shipments, cargoes at remittance nmin sa hangar sa gabi kaya kailangan magpa gas.

Direct employee po at regular po ako. 11yrs na po ako sa Lbc.

Tuloy2x po ang pasok ko sa work kahit nung Aug.3.
Simula kahapon Aug.29 lang po ako hindi na pinapasok with proper notice of termination.

Nagkaroon nman po ako ng nte at hearing. Wala lang po ako natatangap na proper notice of their decision or action.

Enasurada1979


Arresto Menor

Hindi daw po pede huli ko na nalaman. Hindi po kasi ako aware tungkol dun. Pero kung alam ko po na hindi pede yung ganun ay hindi ko po gagawin kahit ma hamper ang operation nmin. Ako kasi kumukuha ng lahat ng shipments, cargoes at remittance nmin sa hangar sa gabi kaya kailangan magpa gas.

Direct employee po at regular po ako. 11yrs na po ako sa Lbc.

Tuloy2x po ang pasok ko sa work kahit nung Aug.3.
Simula kahapon Aug.29 lang po ako hindi na pinapasok without proper notice of termination.

Nagkaroon nman po ako ng nte at hearing. Wala lang po ako natatangap na proper notice of their decision or action.

council

council
Reclusion Perpetua

Enasurada1979 wrote:Hindi daw po pede huli ko na nalaman. Hindi po kasi ako aware tungkol dun. Pero kung alam ko po na hindi pede yung ganun ay hindi ko po gagawin kahit ma hamper ang operation nmin. Ako kasi kumukuha ng lahat ng shipments, cargoes at remittance nmin sa hangar sa gabi kaya kailangan magpa gas.

Direct employee po at regular po ako. 11yrs na po ako sa Lbc.

Tuloy2x po ang pasok ko sa work kahit nung Aug.3.
Simula kahapon Aug.29 lang po ako hindi na pinapasok without proper notice of termination.

Nagkaroon nman po ako ng nte at hearing. Wala lang po ako natatangap na proper notice of their decision or action.

Generally kahit sabihin na hindi mo alam, ang paggamit ng pera ng ibang tao para sa iba pang gawain ay pinagbabawal, lalo na kung makakapahamak ito sa pangalan ng kumpanya at kumpyansa ng kliyente. Pwera na lang kung ito ay pinayagan mismo at merong maliwanag na alituntunin.

Kailan ang hearing ginanap? Baka hindi lang natanggap agad ang desisyon dahil merong hindi pagkakaunawaan sa pagpapadala. Pero pwede mong hingin ang kopya. Pwede rin naman na ipinadala sa iyong tahanan sa pamamagitan ng registered mail.

So far tama naman ang proseso nila at ang pagkukulang lang ay ang hindi mo pagtanggap agad ng desisyon.

Hindi mo na rin alalahanin kung ano man ang mangyari sa custodian at delivery man, o kung binigyan sila ng memo o hindi.

http://www.councilviews.com

Enasurada1979


Arresto Menor

with the circumstances valid ba na termination? And without notice? Pede nman na personal nilang iabot sa akin kasi pumapasok pa ako nung Aug.3 which is terminated na pala ako dapat. Aug.29 ko lang nalaman sa team head ko at hindi na ako pinapasok. Paano yung mga araw na pinasok ko? Kung naaksidente pala ako while on my duty hindi na pala nila ako sagutin kasi terminated na ako that Aug.3 pero hindi ko alam. May violation po ba sila?

Ang habol ko na lang po is yung 11years ko na backpay kung nagresign nlng po sana ako.
Thank you very much again sa response nyo. God bless!

council

council
Reclusion Perpetua

Enasurada1979 wrote:with the circumstances valid ba na termination? And without notice? Pede nman na personal nilang iabot sa akin kasi pumapasok pa ako nung Aug.3 which is terminated na pala ako dapat. Aug.29 ko lang nalaman sa team head ko at hindi na ako pinapasok. Paano yung mga araw na pinasok ko? Kung naaksidente pala ako while on my duty hindi na pala nila ako sagutin kasi terminated na ako that Aug.3 pero hindi ko alam. May violation po ba sila?

Ang habol ko na lang po is yung 11years ko na backpay kung nagresign nlng po sana ako.
Thank you very much again sa response nyo. God bless!


Sa aking palagay valid pa rin ang termination.

Dapat mabayaran ka pa rin sa mga araw na pinasok mo bago ka sinabihan na tanggal ka na sa trabaho.

Anong 11 yrs backpay? Separation pay? Meron bang patakaran o alituntunin ang kumpanya na merong binibigay na retirement o separation pay na naka-base sa haba ng iyong panunungkulan sa kumpanya?

Kung walang ganun, ang matatanggap mo lang ay -

1. sweldo para sa mga araw na pinasok pero hindi pa natatanggap
2. pro-rated 13th month pay
3. tax adjustment (ibalik ang sobrang tax na kinaltas)
4. iba pang benepisyo na nakasaad sa kontrata o panuntunan.

Pero tingnan din ang mga patakaran kung merong nakasaad na pwedeng tanggalin ang mga ibang benepisyo (#4) kung ang pagkakatanggal sa iyo ay dahil sa iyong pagkakasala.

http://www.councilviews.com

Enasurada1979


Arresto Menor

Thank you very much po sa mga information and advice nyo. God bless and more power to pinoylawyer.org. 😊

Sponsored content



Back to top  Message [Page 1 of 1]

Permissions in this forum:
You cannot reply to topics in this forum