Free Legal Advice Philippines
Would you like to react to this message? Create an account in a few clicks or log in to continue.
Free Legal Advice Philippines

Disclaimer: This web site is designed for general information only and does not create attorney-client relationship. Persons accessing this site are encouraged to seek independent counsel for legal advice regarding their individual legal issues.

Log in

I forgot my password




You are not connected. Please login or register

suspension without letter

2 posters

Go down  Message [Page 1 of 1]

1suspension without letter Empty suspension without letter Fri Aug 19, 2016 5:04 pm

ronnie1988


Arresto Menor

good day,
tanong ko lang po ..may legal way po ba ng pag suspende sa employee?at ano po ang pwedi ikaso kung hindi nasunod?
kami po kasi ay per project based or per fully percentage
then one time po yung kasama ko ay napag hinalaang may ginagawang d maganda sa isang lugar during work pero hindi naman po ako kasamang nakita sa lugar nayon,,pero kasama po ako hinold sa project kami po ay gumawa na ng letter dun sa kanilang aligation,,pero hinold parin po ako...
at sinabing pag aaralan padaw nila ngunit walang kahit ano paper at date and time na sinabi kung kelan kami makakabalik sa work..please advice me po kung eto po ba ay pwedi ng pumasok sa iligal dismisal??thanks po

2suspension without letter Empty Re: suspension without letter Fri Aug 19, 2016 5:21 pm

HrDude


Reclusion Perpetua

-Hindi pwedeng pumasok sa 'Illegal Dismissal' yan kasi hindi ka naman na-dismiss e.

-Kung ang pagsuspinde sa inyo ay isang ng sanction o parusa, dapat itong naka-paloob sa isang Notice/Memo.

-Malamang ang pagsuspinde sayo ay isang 'Preventive Suspension'. Ito ay ibinibigay ng batas sa isang employer pra protectahan ang sarili nya. Kung ito nga yung ibinigay sa iyo ay tahimik ang batas tungkol dito kung ito man ay kailangang nakalagay sa isang Letter, Notice o Memo. Hindi bawal ang verbal basta klaro sa empleyado kung kailan magsisimula ang suspension at kung kailan matatapos. Usually naman, inilalagay ng management sa isang memo ang preventive suspension pra lang ito ay ma-document PERO HINDI BAWAL ang verbal.

Sa Preventive Suspension, kung kailan ka sinabihang suspendido kna ay iyo ang simula ng suspension mo at tatagal ito ng 30 days ng walang bayad. Pagkatapos ng 30 days ay pwede ka ng bumalik sa trabaho pero kung gustong patagalin pa ng management ang suspension mo at hindi ka payagang pumasok, pwede din nilang gawin ito pero bayad na ang mga araw mo after 30 days kahit nakatambay ka lng.

3suspension without letter Empty Re: suspension without letter Fri Aug 19, 2016 7:35 pm

ronnie1988


Arresto Menor

yun nga po walang linaw kung kaylan at anong araw kami makakabalik..at ang sabi pa hindi daw kami suspendido hold lang daw kami kc may under imbestigation padaw clang gagawin legal po b un?



Last edited by ronnie1988 on Fri Aug 19, 2016 7:44 pm; edited 1 time in total

4suspension without letter Empty Re: suspension without letter Fri Aug 19, 2016 7:38 pm

ronnie1988


Arresto Menor

at what if wala naman ginagawang kasalanan at napa tunayan na wala naman tlga..pwedi ko po b habulin ung 30days para mabayaran po ako??sa nawala sakin??

5suspension without letter Empty Re: suspension without letter Fri Aug 19, 2016 7:45 pm

HrDude


Reclusion Perpetua

ronnie1988 wrote:at what if wala naman ginagawang kasalanan at napa tunayan na wala naman tlga..pwedi ko po b habulin ung 30days para mabayaran po ako??sa nawala sakin??

Ano bang ibig mong sabihin sa 'hold'? Sabi mo "hold lang daw kami kasi may investigation", anong 'hold'?

Kung di kayo suspendido e pumasok kayo. Tanungin mo na lang at klaruhin kung anong status niyo.

Assuming na 'Preventive Suspension" and nangyari sayo, ku ng mapapatunayan na wala kang, ni katiting, nakasalanan. dapat kang bayaran sa mga araw na suspendido ka.

6suspension without letter Empty Re: suspension without letter Fri Aug 19, 2016 7:46 pm

ronnie1988


Arresto Menor

hold sa project po d daw muna kami bibigyan ng work kasi nga po project based kami kada gawa 42 percent po,,for the meantime no activity daw po kami habang me iniimbistigahan po sila??salamat po

7suspension without letter Empty Re: suspension without letter Fri Aug 19, 2016 7:48 pm

ronnie1988


Arresto Menor

dpa po ba pweding ipasok un sa constractive dismisal or pang gigipit po??

8suspension without letter Empty Re: suspension without letter Fri Aug 19, 2016 8:02 pm

HrDude


Reclusion Perpetua

Ikaw ba ay isang project-based na empleyado?

9suspension without letter Empty Re: suspension without letter Fri Aug 19, 2016 8:21 pm

ronnie1988


Arresto Menor

opo..per kada gawa 42 percent po fully percentage po..

10suspension without letter Empty Re: suspension without letter Fri Aug 19, 2016 8:45 pm

HrDude


Reclusion Perpetua

Kung ikaw ay isang project-based employee, hindi mo pwedeng pwersahin ang employer mo na bigyan ka ng project. Ang kontrata nyo ay matatapos every project. so kung tapos ang dati nyong project ay hindi mo pwedeng pilitin na bigyan ka ng bagong project.

Malayo na sa topic itong tanong mo. HIndi din ito pwedeng ipasok na 'constructive dismissal' dahil hindi demandable ang pagbigay ng project sa mga project-based employee. Unless na ikaw ay pinagiinitan at mapapatunayan mo ito.

11suspension without letter Empty Re: suspension without letter Sat Aug 20, 2016 1:12 am

ronnie1988


Arresto Menor

lumalbas po b na hindi ako eployed???under contract padin po ang company namin sa mga big company pero kami pong tao nila hinold nila kami sa project ibig savihin ok lang po na hindi kami bigyan ng trabaho>>..??

Sponsored content



Back to top  Message [Page 1 of 1]

Permissions in this forum:
You cannot reply to topics in this forum