Ako po ay dating nagtatrabaho sa isang manning agency. Natapos po naman po ung aking 30 days notice of resignation. May hindi nga lang ako na i-turnover kaya nun tinawagan ko ung HR namin di pa daw ready kasi di pa ko cleared eh almost 6mos. na.
Nanghingi na Lang ako ng copy ng clearance form ko nakasaad Kung Bakit nga naka hold pa pero ayaw magbigay.
Nun last na usap namin ng HR pina pa email sakin kung san ba Nila pwedeng makita ung mga files na nakakasave sa company computer. In-email ko naman ung mga kelangan. Kaso ang nag reply ung capt. namin sabi kelangan ko daw pumunta sa office para mag turn over para mapirmahan clearance Ko, eh ang tagal tagal na. Eh samantalang sabi Nila nun una email ko Lang daw. Di rin kasi maganda samahan namin ng Capt. kaya ayaw ko din pumunta pa sa office.
May rights ba ang dati Kong company na I hold ang clearance at last pay ko? Kung sakali bang ipa DOLE ko may Laban ba Kaya ako?
Thanks sana po ay masagot ako.