Nabundol po ng motor yung kapatid ko nung tumatawid sya sa kalsada nung Sabado ng gabi. Malayo pa yung jeep nung tumawid sya nung biglang may nag overtake na motor. Dahil sobrang bilis ng takbo nung motor, hindi na sya nakaiwas.
Maliban dun sa mga pasa pasa, nadislocate yung ilong nya (kailangan ng surgery), tapos mayron din fracture sa skull (hindi ooperahan pero babantayan parin in case lumala).
Nung una pumayag yung nakabundol na sya na ang magbayad sa medical expenses. Kinuha na rin ng pulis yung detalye nung lalake, tapos yung motor ay impound sa police station na din. Nung Tuesday (3 days later), nakipag usap yung kampo nung nakabundol na kung pwede daw, kunin na nila yung motor dahil yun daw yung ibebenta nila tapos ipapambayad para sa medical expenses. Hindi pumayag si Mama, syempre kasi baka pag nakuha na yung motor, tumakas na lang din yung nakabundol.
Hanggang ngayon (5 days ang nakalipas mula nung aksidente) hindi pa ulit nagpaparamdam yung nakabundol. Ngayong Sabado nakaschedule yung operation.
Ito po yung mga tanong ko:
1) Kapag hindi na po ba nagparamdam yung nakabundol, mapupunta na po ba sa amin yung motor? (Ang balak po sana namin ay ibenta ito para may pambayad kami sa mga nautang para sa medical expenses)
2) Ano pong maikakaso namin dun sa lalaki? (Expired na yung lisensya nya, rehistro lang po yung ipinakita)
----
Yan lang po, pasensya na po mejo mahabang explanation sana po may sumagot
Maraming salamat po!