Good Day.
Magtatanong lang po ako. Kasi, recently I've found out that my husband is having an affair with another girl. Nabuking ko po kasi nabasa ko mga text messages ng babae sa asawa ko, then kapag kinonfront ko na, tinetext ko gamit phone ko, ang sinasabi nung babae kesyo wrong sent daw ako at wala syang kilala na ganong pangalan, pero I saved all her text messages sa asawa ko. then one night, tumawag sakin ung babae, at sinasabi na hinahabol daw sya ng asawa ko then nilait lait pa ko. then pagcheck ko sa phone ng asawa ko, ang dami nyang text dun na nagmamakaawa sya na puntahan sya ng asawa ko at mahal daw nya ito at tanggap nya na may asawa ito. Pwede po ba ko magreklamo s baranggay sa ginagawa nyang panggugulo samin? Ilang beses ko na sya kinausap na magharap harap kami, pagusapan kung ano ba talga at sinabihan ko na din na tigilan nya kami magasawa pero ndi pa din sya natigil. Pwede ko po ba sya ihabla dahil sa panggugulo nya?
Thanks,