Ano-ano po ba ang mga hakbang na gagawin ko, ngayong nalaman at napatunayan kung may kabit ang asawa ko at ngayon ay may anak na sila. Matagal na kaming kasal at may tatlo kaming anak.
Sa abroad(saudi arabia) sila nag ka kilala ng kanyang kirida (pilipino din) at sa abroad narin nanganak ang kirida nya.
Simula nung nahuli ng anak ko sa fb, dahil sa mga pictures na pinopost nito at mismong inamin din ito ng aking asawa sa mssage nito sa anak ko na may kabit nga sya ay itinigil na niya ang kanyang sustinto sa amin ng mga anak ko.
May isa pa akong anak na pina pa aral at ang dalawa ko pang anak ay hindi pa sapat ang kinikita. Nag file na ako ng ra9262 ngunit dahil nga sa zero jurisdiction sa ibang bansa mahirap talaga, kailangan kupang mag hintay at mag bantay na umuwi sya sa pinas. tanong po pwedi ko po bang ipa hold sya sa immigration para hindi na sya maka balik pa once na umuwi siya sa pinas.?
Ngayon po ay napag-alaman kung nandito pala sa mindanao ang kanyang kirida kasama ang kanilang anak, gusto ko sanang kasuhan (ipakulong) ang kirida gayong siya ang nandito sa pilipinas pwede po ba iyon?
tanong po pano kupo mapapa uwi ang asawa ko upang harapin nya ang finile kung complaint laban sa kanya o di kayay ma pilit ko syang supportahan kami muli ng kanyang mga anak..
salaman po..