Free Legal Advice Philippines
Would you like to react to this message? Create an account in a few clicks or log in to continue.
Free Legal Advice Philippines

Disclaimer: This web site is designed for general information only and does not create attorney-client relationship. Persons accessing this site are encouraged to seek independent counsel for legal advice regarding their individual legal issues.

Log in

I forgot my password




You are not connected. Please login or register

driving a motorbike without licence and got hit by a car.

Go down  Message [Page 1 of 1]

juz14girl


Arresto Menor

nag drive  po ung pinsan kong 17 years old ng motorbike para bumili ng gatas ng anak nya sa grocery store malapit sa terminal ng tricycle sa may kanto ng lugar nila, pagliko nya nabangga sya ng Mercedes Benz, maraming nakakita na mabilis ang takbo ng Mercedes Benz.
Nakita nila kung paano pumaibabaw at tumilapon ang pinsan ko pati na ng nakaladkad ung motor na sinasakyan nya, sa kabutihang palad mga malalaking pasa at gasgas lang ang natamo ng pinsan ko dahil naprotektahan nya agad ang ulo nya, ngunit malaki ang naging pinsala sa sasakyan na Mercedes Benz dahil lubog ang salamin nito sa harap kung saan tumama ang pinsan ko, ganun din ang ilaw nito.
Nag alok ang may ari na ipapagamot ang pinsan ko, ngunit  sa sobrang takot dahil walang lisensya at hindi sa kanya ang motorbike kundi sa tita namin, tumanggi ang pinsan ko at paika ikang hinila ang motorbike hanggang makarating sa kanila dahil malapit lang ito at walking distance lang,
ngunit ang may ari ng sasakyang Mercedes Benz ay tumawag ng OPS na napag alaman naming kasintahan nya, dumating ang OPS ng naka jersey at binigyan ng tiket ang pinsan ko na may nakalagay na involved in accident at pinapirmahan sa pinsan ko at sa nakadestino ng gabing iyon.
dumating din ang isang insurance personnel at dumiretso sa headquarters upang magreport.
makalipas ang ilang minuto pinasundo ang pinsan ko ng mga brgy. na sinamahan ng ate nya at ng pinsan nila dahil nasa trabaho ang tatay at nanay ng mga ito, at dinala sa head quarters upang iharap sa may-ari ng Mercedes Benz na nagrereklamo na binangga sya  ng pinsan ko at sinasabi nya na mabagal lang ang takbo ng sasakyan nya, at nagdedemand na ipaayos ng pinsan ko ang na damage na sasakyan.
ilang oras matapos ang insidente dumating ang nanay ng mga pinsan ko sa headquarters. dumating din ang tita ko na may ari ng motor nung gabi na yun at tiningnan ang rehistro ng motor pagkatapos ay ginawan ng imbestigador ng report sa pulisya ang nangyaring insidente at ginawan ng kasunduan na babayaran ng pinsan ko ang damage or kung hindi kakasuhan sya ng babae.
bago umalis ng headquarters ang mga pinsan at tita ko hinarang sya ng kasintahan ng babae na pag kaylangan ayusin ung sa motor sya ang puntahan sa opisina.
dumating ang araw na inasikaso ng may ari ng motor ang pagtubos sa motor dahil naka impound ito.
sinamahan ko ang pinsan ko papunta sa office ng OPS upang tubusin ang motor ngunit hindi namin ito natubos dahil pinapakuha kami ng clearance order galing sa imbestigador, kaya kinabukasan bumalik kami kasama ng tatay ng pinsan ko at kumuha ng clearance galing sa imbestigador na sa kabutihang palad ay binigyan kami,.
ngunit, pagdating namin sa office ng OPS sinabi ng LTO officer dun na hindi namin pwedeng makuha ang motor dahil kaylangan namin kausapin ang may ari ng mercedes upang hingin ang permiso nito na maari ng i release ang motor, tinawagan din ng LTO officer ang OPS na kasintahan ng may ari ng mercedes at sila ang nag usap, sinabi rin nito na hindi pumapayag ang may ari ng mercedes iparelease ang motor, kaya pinayuhan kami na kausapin ang may-ari.
pinuntahan namin ang nakalagay na address sa papel na ginawang report ng pulis ngunit walang residential sa building na nakalagay sa address na diumano'y tinitirahan ng babae na may ari ng mercedes.
lumipas ang mga araw, humingi ng tulong ang tita ko na may ari ng motor sa kakilala nya sa impound upang kausapin ang OPS na pumipigil sa pagrelease ng motor ng tita ko, at ng kinausap ito ng taga impound, sinabi nito na kaylangan magready ang pamilya ng pinsan ko ng 40,000-50,000 dahil hindi irerelease ang motor hanggat hindi nagbigay ang mga ito ng ganoong halaga. humingi ng tawad at sinabi ng taga impound kung pwede itong hulug hulugan, ngunit sinabi ng kasintahan ng babae na taga OPS na hindi pwedeng hulugan, kaylangang cash..
gusto ko lang po sana humingi ng legal advice  kung ano po ang dapat gawin sa kaso ng pinsan ko at upang mairelease din ang motor ng tita ko. maraming salamat po sa inyo GOD BLESS at MORE POWER sa lahat..



Last edited by juz14girl on Fri Jul 08, 2016 11:58 pm; edited 1 time in total (Reason for editing : para madaling basahin.)

Back to top  Message [Page 1 of 1]

Permissions in this forum:
You cannot reply to topics in this forum