Free Legal Advice Philippines
Would you like to react to this message? Create an account in a few clicks or log in to continue.
Free Legal Advice Philippines

Disclaimer: This web site is designed for general information only and does not create attorney-client relationship. Persons accessing this site are encouraged to seek independent counsel for legal advice regarding their individual legal issues.

Log in

I forgot my password




You are not connected. Please login or register

wreckless driving

2 posters

Go down  Message [Page 1 of 1]

1wreckless driving Empty wreckless driving Sun Oct 14, 2012 7:29 pm

joanbnuarin


Arresto Menor

Hi,

Naaksidente po ako sa motorcycle last june 2, 2012. Nung gabi din po mismo ng aksidente nakipag usap sa amin ang may ari ng trak at nangako na sasaguting ang medical expenses. Dahil na rin sa kunsiderasyon sa driver na pamilyado at iniisip ko rin po na hindi nya ginusto na mangyari un pumayag po kami na mairelease ang driver dahil na rin sa pakiusap nila.

Dahil po sa aksidente, naoperahan ako sa comminuted fracture sa right femur at ilang buwan na hindi nakakapagtrabaho. sa totoo lang hanggang ngaun hindi ko pa natatapos ang medications and therapy sessions.

Totoo nga po na tinulungan kami sa hospital expenses and medications pero ang ppatakaran po ng insurans nila ay no receipt no refund. nung una po nakakarefund kami pero nung huli hindi na namamansin ang may ari ng truck at ang insurance hanggang sa nireplyan ako ng insurance company na tapusin ko muna lahat ng expenses bago ako magrefund. Pinaliwanag ko po na maraming expenses ang walang receipt pero hindi na namn sila nagresponse until mapilitan ako na itext sila na cge po, magclose na lang kami kasi wala na talaga ako maipanggastos at kung magdedemanda po ako hindi ko namn maasikaso dahil that time po hindi pa ako nakakalakad.

Nasa akin pa po ang mga text ng taga insurance pati ung police report. Hanngang ngaun po grabe pa rin ang financial struggle namin dahil hindi ako makapagtrabaho at wala na silang suporta sa mga gastusin ko. Nawalan lang po talaga ako ng choice kasi that time ayaw nila magparefund at wala na rin kami pagkukunan. Sna nga nalaman ko agad tong site na ito.

Ang tanong ko lang po, may habol pa po ba ako? sa totoo lang po ngaun ko pa lang masasabi na kaya kong maghabol legally.

2wreckless driving Empty Re: wreckless driving Mon Oct 15, 2012 1:43 pm

attyLLL


moderator

file a criminal complaint at the prosecutor's office

https://www.facebook.com/BPOEmployeeAdvocate/

Back to top  Message [Page 1 of 1]

Permissions in this forum:
You cannot reply to topics in this forum