Good day!
Gusto ko lang pong malaman ang mga sagot sa katanungan ko. Pasensya na po sa abala.
Situation:
I was driving the van of my gf's dad inside the subdivision where their home is located. Wala yung dad nya that time. We usually go for test driving in the area kasi wala namang masyadong tao and maluwag naman din ang kalsada. Nagrerefresh po ako ng driving and I dont have a license. I do know how to drive pero wala lang talaga akong time sa pagkuha ng license and I am not yet confident na kaya kong magdrive on the roads outside the subdivision.
One day, while driving on a straight road on 20-30kph eh may madadaanan na kaming intersection. We were driving on a secondary road, by the way. I sounded the horn 3 times before we arrive at the intersection. Pagdating namin sa intersection ay bigla na lang may dumaang sasakyan sa harap namin at bumangga kami. The car was overspeeding and probably travelling at 45-550kph. He was also driving on the wrong side of the road. I wasnt able to step on the break dahil bigla talaga syang sumulpot sa harap namin.
Both me and my gf sustain injuries and was rushed to the hospital.
Our van was totally wrecked and the other car was damaged sa kaliwang part ng hood.
A moment after the incident, dumating ang tatay ng gf ko at nakipag usap sa may ari ng sasakyan na nakatira sa malapit. Gustong tumawag ng pulis ng tatay ng gf ko pero pinigilan ng may ari. Naaawa daw sya sa akin kaya wag na daw tumawag ng pulis. Aregluhin na lang daw namin.
To make the long story short, nagdedemand ang may ari ng kotse na ipagawa daw namin ang sasakyan nya sa Service Center ng Hyundai at magprovide daw kami ng sasakyan or mag rent a car para sa mobilization nya habang sira pa ang sasakyan nya. Kung hindi daw namin gagawin yun, magsasampa daw sya ng kaso laban sakin.
Unemployed po ako at walang pera na lalagpas ng 20 thousand sa bangko. Liable pa po ako sa kotse ng dad ng gf ko na pilit pinapabayaran din sa akin.
Ang tanong ko po:
1. If ever na ihabla po niya ako, ano po ang mga pwedeng ikaso sa akin at ang mga magiging punishment nito? Maaari po ba akong makulong?
2. May laban po ba ako sa korte kung mapapatunayan ko po na may sala din ang driver ng kabilang panig dahil overspeeding or wrong lane sila?
3. May posibilidad pa po ba na maabswelto ako sa maaaring ikaso nila sa akin kahit na driving without license ako at involved sa aksidente?
Sana'y mabigyang linaw po ang mga katanungan ko.
Maraming salamat po.
JM