isa po akong driver ng TNVS, aksidente ko pong na atrasan ang naka park na kotse sa loob ng isang condominium compound, at wala po yung may ari ng kotse so ang on duty na guard ang nandun at nki pag cooperate naman ako at binigay ko ang mga documents na hinihingi nya gaya ng lisensya ko, 12:28 po sya nangyari at halos apat na oras nila ako hinold sa area, dinala pa ako sa brgy, pro ang sumama na guard ay di yong nka kita mismo at yung oic nila, pro sa police station din ang punta namin, ang sabi ko doon eh since may insurance po yung sasakyan ng operator ko eh thru insurance claim po namin idadaan ang pagpapaayos.
at kailangan ng police report ksi requirements ni insurance yun, ang problema di agad nagawa ang police report, ksi wla silang binigay na mga papeles sa police at sunday po yun, pero tuesday na sila nag comply at sa araw ding yung nakuha ko yung police report at binigay din namin ng operator ko yung police report sa Peak motors at para mai file na sa maa insurance yung claim at 3 weeks pa daw ang processing period.
Ang problema yung may ari ng sasakyan ang gusto mangyari ipapagawa sa security agency ang damage since yun daw responsibility nila, at ang security inspector ng agency ay pinagmumura ako thru phone na di ko masagot ang tanong niya, "ang tanong niya papano kung di daw ma approved ano ang arragement"
pero pina check ko sa kakilala ko na nagtratrabaho sa LTO regarding sa Rehistro ng sasakyan nila, duda ako na kaya nila minamadali eh dahil sa baka walang papel ang sasakyan...
this july 2017 nanyari at upon checking eh last 2016 pa nag rehistro eh 4 ang last ng plaka niya so paso na ang rehistro.
ang tanong ko po may habol parin ba sila na expired ang rehistro ng sasakyan nila at puedi ba nila ako kasuhan?
minor lng naman ang damage sa sasakyan, pintura lng ang natanggal sa harap ng sasakyan nila at sa likod naman ay may kunting yupi ang sasakyang minamaniho ko.
may karapatan ba silang mag demand eh napag usapan naman na idadaan sa insurance ang pagpapagawa?
papano kung mag demand sila ng malaking halaga?
ano po gagawin ko?
please help me, and thanks in advance...