It was April 2015 nang umutang ako ng halagang 25,000.00 sa isang 5-6 malapit sa company namin at may 2 co-makers sya ni-require para mapautang ako. Napautang namn po ako. Kaya lang po June 2015 nag resign ako dahil nagkasakit ako at na-confine pa. So, 25000 payable in 6 mos with 10% interest/month, 15th and 30th ang hulog.Pero paunti-unti, binayaran ko po yun. Yun pala, dahil hindi ko na-meet yung hulog ko every due date(P3,333.00/ pinapatungan pa nya ng additonal interest like penalty. Nangyari halos magkasing laki na yung principal sa interest ko.
Dahil paputol putol ang work ko dahil sa sakit ko. Lubog na ako sa kanya at may mga due date talaga ako na hindi nakakahulog.
Ngayon, tinatakot nya ako na ipapabarangay daw po nya ako o ipapadampot ako sa mga pulis kasi pinanakot nya na may kamag-anak syang general ng PNP at may pinirmahan ako at co-makers ko na maliit na notebook na may halaga at date na inutang.
Pwede po ba akong damputin ng mga pulis at i-detain for that reason? At kung ipapabarangay po ba ako at pilitin ako bayaran yung halos 100% interest(halos katumbas na ng principal ko) sa utang ko, pwede po ba akong tumutol? Talagang interest na lang po binabayaran ko.
Sana matulungan nyo po ako at mabigyan ng payong legal.
Maraming salamat po.