Dumadaan po ako everyday sa Greenfield Parkway (greenfield exit in SLEX) sa Laguna. Bago ako makadaan sa area na yan kailangan ko magpurchase ng sticker sa Greenfield kasi property po yun ng Greenfield.
Nung lastweek po, habang nagdrive ako may mga baka na biglang tumawid. Nabangga ko po yung isang baka at malaki po ang damage sa sasakyan ko kasi malaki po yung baka. Wala pong nangyari sa baka. Sabi ng OIC kaya may baka kasi nasira po yung bakod dahil sa bagyo.
Nagfile po ako ng complain sa greenfield. Ang sagot po nila sa akin ay hindi nila liability iyon.
Kinausap po namin ang may ari ng baka. Sabi nya walang kasalanan ang baka.
Tama po ba yun? Hindi po ba liable ang Greenfield na company kasi nagbayad po ako para makadaan duon sa area nila at dapat e secure nila ang property ng maayos na walang makakadisgrasya sa mga motorista? May mga guard po doon sa area. Nakausap ko nga yung OIC, sabi nya may lapses sila pero hindi liable ang Greenfield. Dapat yung may ari ng baka.
Hoping for your response and guidance po. Kasi malaki po damage sa sasakyan ko at mahal po magpaayos ng sasakyan. T
Thanks in advance.