Good day po.. Na-involve po ako sa aksidente last month at nag-file na po ako ng claim sa insurance namin. Gusto ko lang po malaman kung may babayaran pa ba ako sa nakabanggaan kong sasakyan? Sabi daw kasi ng insurance ko, di raw nila mabayaran ang nakabanggaan kong sasakyan dahil sila daw ang bumangga sa akin at ang violation ko lang daw sa LTO lang dahil nag beat ako ng red light noong ako lumiko at nabangga ako ng sasakyan. Ayon sa police blotter ako yung at fault dahil sa beating the red light ako pero sabi naman ng insurance, ako ang nabangga so, di sila magbayad sa damage ng sasakyan na bumangga sa akin. May sagutin po ba ako sa bumangga sa akin o ang insurance ko na ang bahala magpaliwanag sa kanya? (TPL lang daw kasi ang insurance ng bumangga sa akin, at comprehensive naman ang sa akin). Maraming salamat.
Free Legal Advice Philippines