Free Legal Advice Philippines
Would you like to react to this message? Create an account in a few clicks or log in to continue.
Free Legal Advice Philippines

Disclaimer: This web site is designed for general information only and does not create attorney-client relationship. Persons accessing this site are encouraged to seek independent counsel for legal advice regarding their individual legal issues.

Log in

I forgot my password




You are not connected. Please login or register

Forced Supporting a child not really his

4 posters

Go down  Message [Page 1 of 1]

1Forced Supporting a child not really his Empty Forced Supporting a child not really his Mon Jun 13, 2016 11:01 am

igopkram


Arresto Menor

May friend ako na pinapaako sa kanya yung bata (not acknowledged nor did not signed any documents) dahil may nangyari sa kanila nung nakilala nya na babae. Sinuportahan ng kaibigan ko ang babae dahil na rin sa awa pero nagkasundo sila na walang pananagutan ang kaibigan ko doon sa babae. Subalit nung nanganak na yung babae, doon nagsimula ang pamba-blackmail nung babae at mukhang nagpapanggap pa ito na kapatid sya nung babae para palabasin na yung babaeng nabuntis ay nagtatago na.

Lingid sa kaalaman ng kaibigan ko, may asawa pala ang babaeng ito at ang last name ng bata ay nakapangalan sa asawa nito. Hindi makalaban ang kaibigan ko dahil ipapatunton ito sa magulang nung babae kapag nahinto yung supporta sa kanya. Under stress na rin ang kaibigan ko dahil from monthly ang hinihinging suporta, naging every other week na ito.

Nagresearch ng konti ang kaibigan ko sa facebook at marami din syang nalaman tungkol sa babae. Wala din sa hitsura nila na naghihikahos sila sa buhay. Yung bata, hindi rin kamukha ng kaibigan ko.

Given na nalaman ng kaibigan ko na pineperahan sya nung babae, maaari ba nyang itigil ang supporta dito at sampahan ng kasong Estafa ang babae sa panloloko dito?

Sana po may makatulong.

Salamat ng marami



Last edited by igopkram on Thu Jun 16, 2016 11:53 pm; edited 1 time in total

marlo


Reclusion Perpetua

Itigil ang pagsuporta. Possible kung gusto niya itigil at hindi nman niya anak ang bata based sa kwento.
Estafa . Possible at parang malapit sa fraud case.

Abogado ang kailangan mo para luminaw ang mga bagay bagay.

igopkram


Arresto Menor

Thank you sir.

Update: Nanghingi yung friend ko ng mga documents bilang proof na nahospital yung bata. Laking gulat nga nito na mapansing tampered ang mga ito. Tampered in a way na sinulatan uli yung name (na mukhang pinalitan). Plus very outdated pa yung document (dated back 2007) na nakita doon sa ilang documents. Yung hinihinging OR, Charge Slip ang binigay at obvious na dinuktor yung total cost.

Would those be enough as proof of estafa/fraud against doon sa babae?

marlo


Reclusion Perpetua

Possible po. Circumstantial na po yan I think pagdating sa court. All would be based sa witness and/or evidence presented by both parties. Maglalaro na lang po yan sa mga abogado, merits and credibility para din po ma desisyunan ng court.

Kung malaking halaga po ang pinaguusapan at worth it naman po sa magagamit na time, money and resources ninyo eh siguro po ituloy ninyo ang pag abogado. Pero kung di naman po at malulugi lang po kayo sa panahon at gastos, you can decide on that if its worth it.

igopkram


Arresto Menor

Thank you ulit sir sa pagsagot.

AFAIK, more or less nasa 100k na yung naibibigay ng kaibigan (this year) ko doon sa babae. And again, nanghihingi nanaman ng pera dahil daw naconfine yung bata. Nung tinanong ng kaibigan ko kung saan naka-confine yung bata, ayaw sabihin nung babae kung saan dahil daw baka kunin yung bata sa kanila.

Regarding sa witness, tanging kaibigan ko pa lang nakaka-alam ng ordeal nya since hindi nya ito madisclose ng basta-basta lalo na sa family nya. Ayaw nya kasing may madamay kaya wala pa syang nasasabihan dito. As for the evidence, bagamat konti pa lang yung pinadadalang mga pictures nung resibo at findings galing sa side ng babae (which was dubious), sabi nung babae, mageemail sya sa kaibigan ko after daw nung check-up nung bata.

Not sure lang po sa babae kasi mukhang walang idea yung mga tao sa paligid nya.

Your insights again are highly appreciated.

marlo


Reclusion Perpetua

100K pala. Simulan na pakikipagusap sa abogado. Pangdown na yan sa 4 wheels haha XD Hirap talaga pag nasukol sa blackmail.

Sasabihan ko yung babae na madaliin ang pag email ng resibo at pictures dahil para ma close account na yung pag re-imburse at pag liquidate ko ng mga resibo na yan parte ng benefits ko sa company. Para maging cash ulet. At para may maibigay ako sa bata ULET sa oras ng kanyang pangangailangan. Dahil kamo may due date ang process na yun. Dagdagan ko pa na mag flite ang boss ko para mapirmahan/approval agad ang mga resibo na yan for encashment. Para maipasa na sa HR sa lalong madaling panahon! hahaha XD

igopkram


Arresto Menor

marlo wrote:100K pala. Simulan na pakikipagusap sa abogado. Pangdown na yan sa 4 wheels haha XD Hirap talaga pag nasukol sa blackmail.

Sasabihan ko yung babae na madaliin ang pag email ng resibo at pictures dahil para ma close account na yung pag re-imburse at pag liquidate ko ng mga resibo na yan parte ng benefits ko sa company. Para maging cash ulet. At para may maibigay ako sa bata ULET sa oras ng kanyang pangangailangan. Dahil kamo may due date ang process na yun. Dagdagan ko pa na mag flite ang boss ko para mapirmahan/approval agad ang mga resibo na yan for encashment. Para maipasa na sa HR sa lalong madaling panahon! hahaha XD
Hahahaha!

Magandang idea nga yan Sir XD. I'd let my friend know this. Kaso yung babae daw nagaalangan dahil iniisip nya (at ng nanay nya) wala kaming tiwala sa kanila, eh bakit daw kelangan pa nun?

Update: Kanina when my friend asked where was the baby admitted, ayaw sabihin kung saang hospital kasi baka daw kunin ng kaibigan ko. Ang ginawa nung babae eh sabi daw ng nanay nya huwag idisclose kung saang hospital.

igopkram


Arresto Menor

Another question po.

What if maghabol at magsampa ng kaso yung babae once na itigil nung kaibigan ko ang suporta. May chance ba na manalo yung babae given the scenario above?

marlo


Reclusion Perpetua

Sa anong basehan? Walang dokumento na pumirma sya na inaako nya ang bata unless DNA proves he's wrong.

Kung merun man at nalaman ng husband niya ang ebidensya, liable sa adultery case ang babae.

igopkram


Arresto Menor

Thanks again Sir Marlo. Napapalakas mo ang loob ng kaibigan ko.

Update: Yesterday when my friend asked where was the baby admitted, ayaw sabihin kung saang hospital kasi baka daw kunin ng kaibigan ko. Ang ginawa nung babae eh sabi daw ng nanay nya huwag idisclose kung saang hospital at baka raw lalong atakihin sa puso yung nanay nya (daw).

For me I smell something fishy here. Yung pagdecline ba (via email) na idisclose kung saan sila naka-confine, pwede rin bang gamiting additional evidence yun?

MisterD


Arresto Mayor

marlo wrote:Sa anong basehan? Walang dokumento na pumirma sya na inaako nya ang bata unless DNA proves he's wrong.

Kung merun man at nalaman ng husband niya ang ebidensya, liable sa adultery case ang babae.
Question on Quote: Is it possible ba na magfile yung Husband doon sa Lalake lamang to avoid Adultery (which madadamay yung wife).

marlo


Reclusion Perpetua

MisterD wrote:
marlo wrote:Sa anong basehan? Walang dokumento na pumirma sya na inaako nya ang bata unless DNA proves he's wrong.

Kung merun man at nalaman ng husband niya ang ebidensya, liable sa adultery case ang babae.
Question on Quote: Is it possible ba na magfile yung Husband doon sa Lalake lamang to avoid Adultery (which madadamay yung wife).

Kung tama ang pagka unawa ko sa tanong mo, ang adultery case po ay pang babae lamang, hindi po ito isang kaso laban sa lalaki.

MisterD


Arresto Mayor

I mean sir, possible ba na magfile lang ng Civil Case yung Husband doon sa Lalaki to avoid Adultery kasi makakasama din yung Wife nya sa kaso.

marlo


Reclusion Perpetua


Anong civil case? at sa anong basehan? wala man nabanggit.

In an adultery case, the offended spouse can not file charges against the paramour only. Hindi pwede yung selective charges without including the one in bad faith. Dapat kasama si unfaithful wife at ang kanyang paramour or lover. Otherwise, pinalagpas na husband once nalaman, at maaring i consider na pardoned or condoned. Circumstantial na in other words.

MisterD


Arresto Mayor

marlo wrote:
Anong civil case? at sa anong basehan? wala man nabanggit.

In an adultery case, the offended spouse can not file charges against the paramour only. Hindi pwede yung selective charges without including the one in bad faith. Dapat kasama si unfaithful wife at ang kanyang paramour or lover. Otherwise, pinalagpas na husband once nalaman, at maaring i consider na pardoned or condoned. Circumstantial na in other words.
So it means hindi pwede magfile for damages si Husband doon sa Paramour?

marlo


Reclusion Perpetua

Consult an attorney po. GL



Last edited by marlo on Fri Jun 24, 2016 9:53 pm; edited 1 time in total (Reason for editing : Consult an attorney po. GL)

igopkram


Arresto Menor

Thanks pala Sir Marlo for your advice.

Update: Hindi pa rin tumitigil sa paghingi yung nagpapanggap na kapatid ng babae sa kaibigan ko. Hayyy.

attyLLL


moderator

if the woman was married, then the the father of the child is legally (even if not biologically) the husband, and your friend has no legal obligation to pay support.

https://www.facebook.com/BPOEmployeeAdvocate/

igopkram


Arresto Menor

attyLLL wrote:if the woman was married, then the the father of the child is legally (even if not biologically) the husband, and your friend has no legal obligation to pay support.

Thanks for the clarification Atty. What if pinilit ang kaibigan ko na magsupport pa rin and binantaan sya na ipapatunton sya ng Ina nung babae. Pwede ba magfile ng harassment ang kaibigan ko. Taga Manila ang friend ko tapos yung babae ay taga-Pililia, Rizal.

igopkram


Arresto Menor

Update: nagemail yung babae sa kaibigan ko ngayong umaga na aabutin daw sa 375K para sa operasyon ng bata (para sa pagtanggal ng infected intestine). Dapat na daw ito mabayaran on or before September 19 na schedule ng operasyon. Kahapon (July 6) ay dumulog na daw sila sa PCSO para humingi ng tulong (alam nila na Holiday ang araw na iyon). Nagsubmit daw sila ng letter na ginawa daw ng doctor nila. Doon daw sa nasabing operasyon, may 5% chance of brain damage sa bata na hindi naman nya talaga anak.

Given the email (he was able to screenshot it together with the date), can we use this as evidence for either fraud, extortion or estafa?



Last edited by igopkram on Thu Jul 14, 2016 11:30 am; edited 1 time in total

attyLLL


moderator

i recommend he goes to a lawyer who will help him prepare a letter to the woman explaining why he is not liable for any of these expenses.

whatever her threat over him, neutralize it somehow. let other people of his situation already so she cannot hold it over him.

https://www.facebook.com/BPOEmployeeAdvocate/

igopkram


Arresto Menor

attyLLL wrote:i recommend he goes to a lawyer who will help him prepare a letter to the woman explaining why he is not liable for any of these expenses.

whatever her threat over him, neutralize it somehow. let other people of his situation already so she cannot hold it over him.
Thank you attyLLL.

I'll have my friend email you to tell the entire story. He is having a feeling that the woman is trying to extort a huge amount of money to use it to file a case against him sometime in the future.

Heto po ba sir email nio?: attylllaw(at)gmail(dot)com

igopkram


Arresto Menor

Hi AttyLLL,

Nagemail na rin pala yung kaibigan ko sa inyo. He looks forward to your Advice.

Sponsored content



Back to top  Message [Page 1 of 1]

Permissions in this forum:
You cannot reply to topics in this forum