Gusto ko lang po magpatulong..
I have husband.. 3 years and half na kami hiwalay.. may iba na po ako. hindi kami legally separated.. verbal lang.
I'm having problem with him about child support. My son is now 6yo. last year nagbibigay siya ng 4thou a month. the rest years 2000 lang minsan wala at madalas 500 a month lang. but then nung pumasok ang 2011,hindi na siya nagbigay. madalas kami magtalo regarding support. nagkasakit po ang anak ko. 7mos medication, pero wala akong naasahan sa kanya sa pagbili ng gamot. and nagaral sa private school ang anak ko na ni singko ay hindi din siya nagbigay. basta 4k lang po. tama lang sa pangangailangan na minsan ay talagang kulang. lagi niyang dahilan na "wala siyang pera" pero ang totoo meron naman. Nagtatrabaho po siya as call center specialist. And ayaw niya sabihin kung magkano ang salary niya dahil nagtataka po ako na sinasabi niya laging hanggang doon lang ang kaya niya ibigay sa bata.. at talagang tinitipid niya.. May mga kaso po ba akong pwedeng isampa sa kanya? May mga time pa po na tinatakot niya akong babawasan ang sustento ng bata at minsan po hindi na nga daw siya magbibigay na ngayon ay ginawa na niya.. at masasamang salita na galing sa kanya gamit ang text at facebook niya.. nitong isang linggo nagtext siya after 4mos na hindi nagparamdam at hindi nagsustento,nakikipagayos siya.. at dahil para po sa anak ko, kahit masama ang loob ko at bilang pagrespeto ay tinanggap ko.. kaya lang po ngayon sinabihan niya ako na wag na wag ko na siyang guguluhin at umalis na daw ako sa buhay niya. nasa akin po ang bata. at magkanya-kanya na daw kami. sa tuwing hihiramin niya ang bata, ganito po ang salita niya "dalhin mo sa akin.." walang pakisuyo na parang hindi niya anak ang bata sa lahat ng ginagawa niya at binibitiwang salita. at sinabi niya ring kaya siya nagtext kahit "plastikan" ay dahil sa bata..
Nakapagsalita ako ng hindi maganda sa text sa nanay niya.. at sinabihang kong mukha silang pera.. May magiging kaso po ba ako doon? dahil hindi po nila ako talaga nirereply noong sinisingil ko ang asawa ko sa pagkakautang niya ng 5000 sa akin dahil na din po sa ibibili ko ng gamot ng anak ko.
Sa isang social networking site po ay may naninira sa kanya, at ibinibintang sa akin. na talagang hindi naman ako ang gumagawa non. then yung nanay niya pinunto mismo sa site na ako daw yun at diniretsa ang pangalan ko. pwede ko po ba kasuhan ang nanay niya?
Please help naman po!
Maraming salamat po..