I'm new to this forum and I really need some advice.
Tanong ko lang po kung may batas po ba tayo na nagbabawal na mag park sa tapat mismo ng bahay o gate na nagiging sagabal sa paglabas ng mga nakatira dito.
May kapitbahay po kasi kami na sa harapan ng bahay namin pina park yung sasakyan nila na nagiging mahirap para sa amin ang makalabas ng bahay namin.
Ang dahilan nila ay public na daw yung daanan at di namin pag aari kaya wala kaming karapatan na paalisin yung sasakyan nila.
Ano po pwede naming gawing hakbang dito? May kaukulang batas po ba tayo dito?
Salamat po Atty. mabuhay po kayo.