Ako po ay umuupa sa halagang 12,500 kada buwan ng isang apartment kasama ang aking pamilya subalit dahil sa nagkasakit ang mga magulang ko, hindi ako nakabayad sa looob ng 3 buwan at kasalukuyang tumatakbo ang ika apat na buwan. Wala na akong kakayahang bayaran pa ito kaya nakiusap ako sa lessor ko na aalis na kami at babayaran na lang ang pang apat na buwan dahil meron kaming deposito sakanya for 3 months.
Pero may kontrata kami na isang taon at sa October 28, 2016 pa ito matatapos. Ano po ang dapat ko gawin? Ayaw pumayag ng may ari na umalis kami dahil may kontrata kami at pinipilit niya ako magbayad ng buo sa mga arrears ng isang bagsakan. Ang sa akin po ay wala na ako kapasidad na magbayad dahil ako na lang ang bread winner ng aking pamilya at anim kaming magkakapatid at lahat sila ay nag aaral pa. Wala rin po kaming ari-arian na pwedeng ibenta kaya wala talaga na mahahabol sa amin ang lessor. Nakikiusap po ako sakanya na babayaran ang isang buwan na arrears at iapply na lang ang deposito namin na tatlong buwan para icover ng buo ang kakulangan. Subalit ayaw niyang pumayag. Ano pong batas ang nakakasakop sa sitwasyon ko at sa anong legal na paraan pwede ito idaan dahil tinatakot niya kami na ipapakulong pag hindi nagbayad agad- agad.
Maraming salamat po.