Free Legal Advice Philippines
Would you like to react to this message? Create an account in a few clicks or log in to continue.
Free Legal Advice Philippines

Disclaimer: This web site is designed for general information only and does not create attorney-client relationship. Persons accessing this site are encouraged to seek independent counsel for legal advice regarding their individual legal issues.

Log in

I forgot my password




You are not connected. Please login or register

ang husband kong muslim..

4 posters

Go down  Message [Page 1 of 1]

1ang husband kong muslim.. Empty ang husband kong muslim.. Fri May 27, 2016 2:31 pm

honimae08


Arresto Menor

Magandang araw po.. Maipaglalaban ko pa rin ba ang karapatan ko sa anak ko na 8 years old na kasalukuyan po nasa costudy ng tatay nya na isang Muslim? Usapan namin magbabakaayon lang yung bata pero sinira niya kasi gusto niya na siya ang magpaaral. Nag aaral naman po yung bata dito sa amin sa Leyte at member po kami ng modified conditional cash transfer. May ibang asawa na po yung tatay ng anak ko at yung asawa lang niya ang may permanenteng trabaho. At yung tatay ng anak ko pa extra extra long at taga alaga ng anak nila. Maliban po doon may mga anak pa siya sa ibang babae.
Sir kahit anong pakiusap at pagmakaawa na kunin ko yung anak ko ayaw niyang pumayag. Wala naman po akong ibang anak at walang asawa. Buong oras ang maibibigay ko sa anak ko. Hindi rin ako humingi ng sustento kasi asawa naman niya yung bread winner.
Sana po matulungan ninyo ako. Malapit na ang pasukan. Nandito ako sa Leyte at sila ay nasa Tagum City.
Maraming salamat po.

2ang husband kong muslim.. Empty Re: ang husband kong muslim.. Fri May 27, 2016 3:38 pm

ador


Reclusion Perpetua

sampahan mo ng kasong kidnapping

3ang husband kong muslim.. Empty Re: ang husband kong muslim.. Sat May 28, 2016 9:46 am

raheemerick

raheemerick
Reclusion Perpetua

Ikaw ang ina at nasayo ang karapatan sa usaping kustodiya sa anak mo. Kahit sabihing 8 y.o na ang bata kung proseso sa hukoman ang iiral? Ang bata ang mag sasabi kung kanino sa mga magulang nya sya mananatili at mag papa kustodiya. Ganun pa man. Ang bagay na ito ay dadaan sa korte at mangangailangan kau pareho ng asawa mo ng abogado. Sa kabilang dako naman.. Kung ikaw ay legal na kasal sa asawa mo? Ikaw ay may karapatan na tumanggap ng sustento mula sa kanya. Subalit kung sya ay walang kakayanan dahil wala syang trabaho? Nganga na lang😊 humingi ng suhestyon o payo sa dswd sa inyong lugar. Patunayan na ikaw ay may kakayanan sa pangangalaga sa bata at may malinis na interes dito. Pag aralan mo mabuti ang situation ng aswang mong asawa. Baka sakali sa ibang oaraan ay maobliga mo syang ipaubaya sau ang kustodiya sa bata.

4ang husband kong muslim.. Empty Re: ang husband kong muslim.. Mon Jun 20, 2016 12:01 pm

Nash Kasim


Arresto Menor

Kayo ho ba ay kasal ng tatay ng anak mo? kung kayo ay kasal, eto ba ay sa isang Muslim wedding o civil? Kung kayo ay kasal sa civil o simbahan, saklaw kayo sa Family code. pero kung ang kasal nyo ay sa isang Muslim rites, pwede mo ipaglaban ang custodial rights mo sa Shariah Court.

Sponsored content



Back to top  Message [Page 1 of 1]

Permissions in this forum:
You cannot reply to topics in this forum