good day po Atty. my case is about my prodigal Catholic-converted to Islam-father. He was in KSA for more than 20 yrs. nasuportahan nya kami financially sa aming pag-aaral (4 siblings), pero nung nasa college pa lang kami, alam na namin na may kinakasama sya sa KSA, Nagpaubaya ang Nanay ko dahil kailangan pa namin ang financial support niya. upon his retirement, hindi siya umuwi sa amin, instead, he created a new life with his Maranao wife in Cagayan de Oro City, under his muslim name building his business there with millions of pesos he got from his retirement. Kaming magkakapatid, we suffered from comfort & financial deprivation dahil sa kakarampot na padala nya every month nuong nag-aaral pa kami, and he completely stopped sending financial support nuong nakapagtrabaho na ako (ako pa lang mag-isa ang nagtatrabaho tumigil na siya sa pagpapadala hanggang sa siya ay nag-retire na). Nahanap namin siya sa CDO in a very pitiful state. Ang buhay nya ngayon ang masasabi nating karma dahil iniwan na siya ng asawang niyang Muslim. Iniwan din siya ng anak ng asawa niyang Muslim sa pagkadalaga, kung saan siya ang nagpaaral at binigay ang lahat ng luho at karangyaan sa buhay. Kinuha lahat ng babae ang mga natirang naipundar nila (nalugi ang kanilang negosyo), kasama na bahay at lupa kung saan siya ay nakatira. Nuong nagbagyong Sendong, wala na siya mapuntahan, binilhan ko ng plane ticket at pinauwi sa bahay, at tinganggap ng Nanay kahit masakit sa loob niya. wala na sa amin na umaasa na magkabalikan sila, ang hangad lang ay mag-forgive and mag-move-on. Ang problema ngayon, gusto pa niya paalisin ang Nanay ko sa bahay namin, at yun ay hindi naman ako papayag. Ang tanong ko lang po, may karapatan pa ba ang aking tatay na angkinin ang 50% share niya sa house and lot na under sa pangalan nilang dalawa? Pagkatapos ng pag-iwan niya sa amin? He gave up on that property a long time ago, at dahil lang wala na siyang mapuntahan, tinanggap siya at pinatuloy pero ginawa nya namang miserable ang buhay ng Nanay ko through psychological torture at pagsigaw-sigaw. Gusto na namin siya paalisin at duon na lang sana tumira sa isa pang bakanteng lupa sa may palayan namin, pero ayaw niya at dito daw ang bahay niya. Hindi mo rin masasabi na abandonment dahil, nag-support siya financially hanggang sa ang isa sa mga anak niya ay nakahanap na ng trabaho? Sana matulungan nyo po ako, nakakapagod na po. Awang-awa na ako sa Nanay ko.They are both 70 y.o na po.