Good day po, hingi po sana ako ng advice tungkol sa aking problema..isa po akong simpleng gov't employee dati at nagresigned (2015) na.. Ngayon po ay nandito na ako sa abroad nagwwork..ako po ay may naiwang loan sa dating pinagtatrabahuhan ko (around 150k)..Wala po akong balak takbuhan ang utang ko na binabawas monthly sa sweldo ko (no PDC involved)..Mangyari lang na biglaan ang aking pag abroad dahil sa hirap ng buhay dito at kinakapos kami ng pamilya ko kaya ako nagdecide na magabroad..Sa ngayon po ay hindi ko kaya bayaran ito ng buo dahil nagkainteres na ito ng malaki..nakikiusap ako na pwedeng installment ko bayaran pero pinapa issue ako ng PDC para bayaran ito ngunit nag aalala ako na baka pag sumablay ako tumalbog ito at makasuhan ako ng Criminal Case.
May balak sana ako magbakasyon next month pero natatakot ako baka hindi na ako makabalik dahil sa naiwang utang ko at habulin ako at i-hold..
May iba po kayang way ng pagbabayad maliban sa PDC?
Maaari po ba nila akong kasuhan or ipa-hold sa pag alis at anong kaso kung meron man...salamat po
Last edited by curiousguy on Sat May 28, 2016 3:18 pm; edited 2 times in total (Reason for editing : additional information)