After 2 to 3 weeks kinausap niya ako at sinabi na mayroon ng papalit sa akin at kinakailangan kong mag endorse. Ang dinahilan niya s akin ay may pagkakaiba daw kami sa decision making, at kung mawork out man daw ay medyo matatagalan. kailangan niya yung taong makakatutok sa trabaho dahil hindi niya ito mahaharap sa dami ng kayang hawak. Isa pa sa dinahilan niya ay dahil nirerequest ako ng dati kong boss kaya daw nagkaproblema, as per management decision daw ay hindi ako pwedeng ilipat sa dati naming department.
Ilikipat daw ako sa ibang department, at hr na ang bahala, wala naman daw mababago sa sahod ko. Nakausap ko ang papalit sa akin habang nag eendorse at ang sinabi niya dito ay nagku quit daw ako.
Sinunod ko pa rin ang mag endorse ng mga transaction, after a week tinanong ko siya kung pupunta na ba ako sa hr.wala pa raw, at sasabihin na lang.
Sa ngayon, nandito pa rin ako sa department at ginagawa ang mga trabaho na hindi pa nahaharap ng kapalit ko. hindi pa rin ako pinapapunta sa hr at wala pa ring kaliwanagan kung saan ba ako at mahigit na po itong isang buwan.
tama po ba na ganito ang proseso ng pagtransfer ng tao?
base sa labor code natin, anu po ba dapat ang proseso?