Free Legal Advice Philippines
Would you like to react to this message? Create an account in a few clicks or log in to continue.
Free Legal Advice Philippines

Disclaimer: This web site is designed for general information only and does not create attorney-client relationship. Persons accessing this site are encouraged to seek independent counsel for legal advice regarding their individual legal issues.

Log in

I forgot my password




You are not connected. Please login or register

Need advice on what grounds to file for annullment

2 posters

Go down  Message [Page 1 of 1]

gingerbread


Arresto Menor

Regarding annulment po. More than 2 years na kami di
nagsasama ng husband ko. Eto po yung nangyari.

2006 nung nagkakilala kami. Fresh graduate ako nun. I was 21 years old. Nakilala ko sya sa office and nagkaron kami ng relationship agad. Wala pang 1 year when I got pregnant. Since bata pa ako nun, sumusunod lang ako sa sinasabi ng mga nakakatanda sa akin especially ng parents ko. Gusto nila magpakasal kami. So kahit ayoko pumayag ako kasi at
that time I felt mali ako and kailangan ko panindigan and pagbayaran yun. November-December ng 2006 ko lang nameet yun side ng husband ko. Dun ko lang din nalaman na may problema sya sa identity nya. Jason ******* ang ginagamit nyang name. Yun kinikilala pala nyang "mama" ay technically first cousin ng biological mom nya. Newborn pa lang daw sya nun nung iniwan sya ng totoo nyan mom sa pamilya na kinikilala nya. HIndi naayos ang birth certificate nya (sa tarlac sya pinanganak). Sabi ng side nya, dapat aampunin sya legally ng tita ng tunay nyang mama (which is lola nya). but since matanda na yun, hindi na naprocess
yun adoption so ang kinikilala talaga nyang "mama" ay yun anak na lang nito. so sabi ng tito nya, kung titignan ang records sa nso, walang lumalabas na Jason *******. inaayos lang daw sa recto or sa mga school nya yun ginagamit nyang birth certificate. nagsinungaling din sya sa akin na graduate sya. kung san san sya nagpapagawa ng mga diploma nya tuwing kailangan nya.

anyway, para daw ikasal kami, kailangan maayos ang birth certificate nya. yun asawa ng isa nyang tita ay nakatira sa Taytay, Rizal. At kilala nila personally yung mayor dun nung 2007. nilakad nila ang birth certificate nya. yung isang kapatid ng "mama" nya ang nilagay na pangalan ng father at ang mother ay yung tunay nyang nanay (which is kung tutuusin, mali dahil lumalabas na mag-pinsan yun). pinalabas na lang nila na late filing. so naayos yun. sila din nag-asikaso ng marriage license namin without my participation. never kami umattend ng mga seminar. at nagulat na lang ako na may date na ang kasal namin, January 30, 2007. ginanap yun sa bahay nung taga taytay. pumunta lang yun mayor dun sa bahay.

Ok naman sa umpisa yun pagsasama namin. Siguro pinilit ko na lang panindigan yun para sa anak namin at para walang masabi ang parents ko. 2009 nakitira kami sa poder ng tinatawag nyang "mama". Dun nagsimula mga problema. Usual in-laws problem. Umalis din kami dun. nagsimula ang totoong problema bandang 2009. nahuli ko sya may katext na babae na kaopisina nya, pero denial sya. Nabuksan ko din ang chat nila sa yahoo at nabasa ko na dineny nya na may anak sya, na masakit sa akin. hindi sya umaamin pero naghiwalay kami that time. unti unti din nababawasan yun binibigay nyang financial support sa amin ng anak ko.

after ilang months bumalik din sya at tinanggap ko para sa anak namin. lumipat kami sa nabili naming bahay sa montalban. pero nung time na yun sinabi ko na hindi ko pa kaya bumukod dahil gusto ko magipon muna. nagpumilit sya at nagthreaten na pag di ko sya sinunod eh iiwanan nya kami. that time ako na halos lahat gumagastos at gumagawa ng paraan dahil ang sweldo nya ay di ko alam kung san napupunta. nung lumipat kami, napapansin ko ang insecurity nya. twing may magandang nangyayari sa career ko, lagi nya ako hinahanapan ng butas para mag guilty at umalis sa trabaho.inaaway nya ako kahit sa harap ng katulong. dinidiin
nya na di ako magaling na ina dahil puro ako work. pero kung tutuusin kailangan kong gawin yun dahil maluho sya at ako halos nagagastos. madali din sya mainggit sa mga kapitbahay at gusto nya lagi nya nauungusan o nahihigitan sila. since lagi nya pinagiinitan trabaho ko (call center at panggabi), napilitan ako magresign dahil umaasa akong matitigil nya ako paginitan. nabaon din ako sa utang dahil sa luho nya. hindi na nababayaran yun bahay namin. pinahiram ako ng tita ko ng pambayad na lump sum pero pinilit nya ako ibili na lang ng kotse na sira. meron din time na mas inuna pa nya bumili ng aso kesa sa pangangailangan namin dahil yun kaibigan nya ay may bagong aso. 2012 naghiwalay uli kami ng ilang buwan. in short immature at maluho sya.

tuloy tuloy sya na ganon at walang nangyayari sa buhay namin until
2013 nagdecide ako na magwork na uli. gumanda na uli career ko pero sya ganon pa rin ugali. may times na lagi silang nagiinuman ng mga kapitbahay. hinahayaan ko na lang. nung 2014, bigla nya ako inaway ng walang dahilan sa harap ng anak ko. bandang january yun. dun nagstart na magkahiwalay na kami ng kwarto. sinabihan din nya anak ko na wag na wag akong lalapitan. dun na ako nagdecide na umalis for good.

until now, hiwalay pa rin kami at wala na ako balak bumalik. nagkaron sya ng girlfriend na pinatira pa nya sa bahay namin. although wala na yun property namin dahil binawi na ng pagibig so walang conjugal property na pinaguusapan dito.

anong grounds po ba ang pwede ko i-file at kung may pagasa po ba ako ma-annull. hindi ko na alam kung san sya nakatira. nagtetext sya paminsanminsan pero kinukumusta lang anak namin. hindi din sya nagbibigay ng financial support. gusto daw nya anak nya mismo ang hihingi sa kanya.

LandOwner12


Reclusion Perpetua

Ang haba iha
Ad mo ko fb. Then copy paste mo kwento mo. Di ko mabasa lahat .

Back to top  Message [Page 1 of 1]

Permissions in this forum:
You cannot reply to topics in this forum