Free Legal Advice Philippines
Would you like to react to this message? Create an account in a few clicks or log in to continue.
Free Legal Advice Philippines

Disclaimer: This web site is designed for general information only and does not create attorney-client relationship. Persons accessing this site are encouraged to seek independent counsel for legal advice regarding their individual legal issues.

Log in

I forgot my password




You are not connected. Please login or register

Ignoring Barangay Summons

Go down  Message [Page 1 of 1]

1Ignoring Barangay Summons Empty Ignoring Barangay Summons Sun Apr 10, 2016 12:02 am

Sandybabe14


Arresto Menor

Hello po. Good morning. Ask ko lang po sana ang wede gawin sa kaso namin ng kapitbahay ko na sinanlaan ko ng laptop at nung nakaraan po na taon e siya na ang kusa na nagsabi sa amin na tubusin na lang namin ulit sa halagang 8k. Bali ang ginawa nya po e, dinagdag nya un sa utang namin sa kanya kaya umabot po daw ng 32k lahat. Nagkautang din lang nman kami sa kanya dahil sa anak ko na may sakit. Pero wala po kami kasulatan dun sa utang na un. Kung tutuusin po e dapat di na namin sila binayaran kase po bayad na ung initial na hiniram nmin na 10k sa kanya. Di nga lang po naibayad kase nagamit naman ng nanay ko ng di namin alam kase halos di na po kami nkkauwi ng bahay mula sa ospital. Binayaran na lang po namin sya kase sa hiya namin sa kanya at sa pamimilit nya na rin dahil kami dawa ng nghiram nun at di na nya prob kung di naibayad. Di naman po namin sya binigo. Binayaran namin sya unti unti kahit na di namin talaga alam kung saan nggaling ung 32k na utang namin kasama ang laptop. Dahil po kapos din kami paminsan minsa dahil sa nangungupahan at may pamilya kami lalo na may baby pa kami e nagpapass kami sa kanya minsan minsan pero sinasabihan naman namin sya na di muna kami magbibigay. Dumating po ung time na nagalit at nainis ako ng sobra sa kanya dahil po pinipilit nya ako ipagising para singilin e puyat na puyat po ako nun galing ng trabaho. Pinasabi ko sa nanay ko na sa susunod na lang ako magbabayad dahil magpapabinyag din ako. Magpapasko kase nun at libra ang pabinyag kaya sinantala ko na pero bigla po xa nagalit at nagwala sa harap ng bahay namin. Nagsisisigaw pa at nagmumura habang dinuduro ako. Nung kkausapin ko xa. Bigla umalis at pumunta sa barangay para magreklamo. Sinundan ko po xa at dun po e. Nagreklamo na rin ako. Sa sobrang galit nya na di ako nagsasalita bigla nya ako binato ng malakas sa mukha ng mga barya. Medyo namaga po ang pisngi ko nun pero di na ako nagpamedico legal kase papasok pa po ako sa trabaho. Nagmumura at nagwawala pa rin sya hanggan sabihan kami ni chairman na ayaw na nya kami tanggapin dahil nga sa pagwawala nya. Sinabihan din nya ang asawa nya na magpunta dun sa barangay at dun nila ako tinary na saktan ulit. Nagwalk out na lang po ako kase feeling ko di talaga sya papaareglo. Nung nasa hagdan na po ako bigla nya hinablot ung buhok ko na muntil ako madulas sa hagdan. Inawat lang po sya ng asawa nya at di pa po nakuntento, hinabol nila ko sa kalsada at binato ng payong at sinabihan ng kung ano ano. After po nun, bumalik ako sa barangay para sya naman ang ireklamo dahil sa pananakit, pagmumura at pagsasabi na papapatay nya ako. Di ko po alam na for the record lang daw po pala un sa barangay kaya ang tagal tagal ko naghintay saa action nila hanggan sa sila na ung nakapagfile ng complaint sa akin ng theft at estafa. Ung ipinatawag po kami sa barangay e lupon po agad ang nagassist sa amin. Napilitan po ako umoo sa terms nila na bbayaran ang laptop ng installment til May bale 2.5k every month. Gusto po kase ng lupon na matapos na at di humaba e ang sa akin lang naman e gusto ko mabigyan ng justice ung mga naibayad ko na sa kanila at ung pananakit nila. Para po kaseng mas pabor ung lupon sa kanila kesa sa akin dahil di ko man lang naexplain ung side ko ng maayos. Ni di nga po nila tinanong kung ano bakit kami umabot sa ganung sitwasyon e. Ngaun po e npilitan kami lumipat ng bahay dahil po irerenovate ng mayari ung apartment. Nagpadala na naman po sila ng sumon sa kin dahil nga po di daw ako nagcocomply sa napagusapan e ang gusto ko lang naman e iextend dahil nawalan po ako ng trabaho pero ayaw nila pumayag at pinipilit nila ako magbigay. Mga attorneys, anu po ba dapat ko gawin? Kase di naman din kami aabot sa ganito kung di nila ako sinaktan at pinagmumumura e. Nakakapagod na din kase. Pati nga po mga kamaganak ko sinasabit nila sa issue namin. Gusto ko nga po e maturuan sila ng lesson. Hinihintay ko na lang din po na magbigay sila ng certificate to file case para di lang iisang side ang story namin. Isang beses lang po kase ako umattend ng hearing sa barangay. Ung kahapon po e hindi ko na inattenan. Ano po ba dapat gawin? Thanks po. God bless.

Back to top  Message [Page 1 of 1]

Permissions in this forum:
You cannot reply to topics in this forum