Atty, itatanong ko lng po kung may mahahabol pa po ako sa dati kong kasamahan sa trabaho. Pareho po kaming nurse sa saudi arabia. Nangutang po sya ng pera sa arabo at ako po ang pumirmang guarantor dhil naawa naman po ako at ooperahan daw ang nanay nya. Ang amount po ay 51,300 Riyals monthly po babayadan ng 1,650 riyals. Nakapaghulog po sya ng dalwang beses then she went for vacation para magpakasal sa british bf nya. Nag AWOL po sya after at di na po nakipagcommunicate. She blocked me in facebook din po. Bale ako po yung kinasuhan ng arabo at nahold po ang bank transactions pati vacation ko unless mabayadan ko po ang kinuha nyang pera. Di ko po sya macontact at may nakapagsabi n nasa london n po sya. So, ung magulang ko po ang nagloan dito sa pinas at pinadala sa akin dun para masettle at maclear ang case against s akin. Ngayon po ay nakavacation ako dito at nalaman ko po n nasa cotabato pla sya nagtatago. Anu po ang action n pwede kong gawin against sa knya? Meron po akong mga proof ng lahat ng pinirmahan nyang dokumento dahil hndi lng po ako ang ipinahamak nya. Meron din po akong dalawa pabg kaibigan na nag guarantor sa kanya sa magkakaibang arabo n kinuhanan nya ng pera.
Nung nakausap po sya ay todo deny po sya sa lahat pero clear po lahat ng pinirmahan nya at pati report po ng pagAWOL nya ay meron ako.
Ang concern ko po ay baka makalabas sya ng bansa dahil ang asawa nya au british. Pwede ko po ba syang ipa NBI? Anu po kaya ang nararapat n gawin sa kanya para mabawi po ung pera namin?