Nakautang poh ako sa isang Military Savings and Loan Association noong 2002. Regular naman po ang pagbayad ko noong nasa Military Service pa ako thru salary deduction for 1 year. Nagka kaso po ako kaya nag AWOL ako. Nasa abroad po ako ngayun pero ang family ko nasa Pilipinas parin.
Ang problema ko ay ang aking naiwang utang kasi pinapadalhan po ako ng demand letter na umaabot ng P2Million na. P200,000 kasi yung utang ko, 5 years to pay at 1 year palang nabayaran ko.
Ngayun, natatakot po ako na mawala lahat ang naipundar ko at mga savings ko. Baka makulong pa poh ako at di na ako makabalik dito sa abroad. Kawawa naman po ang aking pamilya.
Kelangan ko po ng advise, kasi di na ako maka tabaho ng maayos. Di po ako makatulog. Lagi po kaming nag-aaway ng asawa ko, kasi di po nya alam. Binata pa ako nung nakautang ako.
Pwede po ba na yung capital lang ang babayaran ko?