Good day po, hingi sana ako ng advice kung ano po pweding gawin ng nanay ko laban sa ama ko na nagkaroon ng ibang karelasyon at nagka anak ng isa. Nasa abroad po ang ama ko ng higit 10 taon, hindi rin po regular na nagpapadala ng sustento sa nanay ko, sa isang taon 3-5 Times lang naisip magpadala, dati po haka2 lang na may kinakasama sya dun sa abroad, ang nangyari po this January 2016 lang tumawag sya sa nanay ko at umamin na May nagawa syang kasalanan. Umuwi sya dito sa pinas nov. 2015 pero hndi sa amin, umuwi po sya dahil nanganak ang kabit nya. According sa nanay ko sinabi dn ng tatay ko sa kanya na masaya sya dahil sa nagka anak sya at nasabi dn nya na natakot dn sya baka kakasuhan sila ng nanay ko (na parang napadaan lg sa kaibgan at nagkakwentuhan-ang way ng salita nya sa nanay ko) Nakabalik na sya sa abroad noong tumawag sa nanay ko. Emotionally tortured po ang nakikita ko sa nanay ko. Masakit sa aming mga anak paano pa sa asawa? Ngayon ang hinihiling ko if choose na nya sa iba, ang regular na sustento na lg para sa nanay ko kahit paano para sa medical at personal expenses na rin nya dahil benefit naman nya yun. Ano po kaya ang pweding laban na gawin ng nanay ko gayong hndi rin madala sa kausap ang tatay ko? Lagi nyang rason wla pa sahod/ delay (naging usual reason).
Maraming salamat po and God bless po.