Please kindly advise po regarding sa problem ko sa asawa ko.
Lagi po kasi kami nag-aaway pagdating sa perang kinikita nya at sa anak nya sa pagkabinata. Yung work po nyan eh part time mascot po sya s jollibee. Yung work nya minsan wala pero pag peak season malakas naman tulad ng pasko at iba pang mga holidays. Hindi po sya talaga nag reremit ng pera skin, sya po ang nagbabayad ng kuryente (bill nmin 600-1500), tubig (300) at gatas(400) ng anak namin. Pero never po syang nagkusa na iremit yung kinikita nya skin kaya napagdududahan ko na sya ng kung ano-ano. Kung minsan po pinagmumukhang kawawa nalang po ako para lang masabi na wala ako pera para lang bigyan nya ako sa panggastos sa pang-araw araw namin. Kaso minsan lang po yun dahil kinukwenta nya yung sahod ko bat madaling nauubos. Nagtitiis ako dahil asawa ko pero alam ko mali.. Noong nanganak nga po ako wala nga syang inaabot skin pangbiling ng damit at panggastos sa pagpapa-anak ko eh. At ito pa po yung nanay ng anak nya, nagtetext sknya ng d ko alam n nanghihingi ng pera para sa tuition fee o iba pang pangangailngan ng anak nila. Nito lng nalaman ko nagbibigay daw sya minsan daw hindi. Kinausap ko po sya ng masisinsinan pero lagi nyan sinasabi na nauna daw po yung bata wala pa ako lagi nalang nyan pinamukmukha skin yun. sobra n po ako nagtitiis. Pinaka malupet pa po eh minsan nagpaalam po sya skin na sasamahan nya yung bata dahil walang kasama sa field trip yung po para happy family sila kung hnd pa ako nagsearch sa FB hindi ko malalaman ang totoo. May mga picture pa nga po sila. Sabi nya ginagawa daw nya yun dahil para daw sa bata kahit daw hiwalay sila ng mother nung bata eh buo daw family nila... May time din po n pag namimiss daw ng bata yung asawa ko eh pinapapunta yung asawa ko dun, pumupunta nmn tong asawa ko dun sa bahay ng babae. ang masama pa pag bday ng anak nila saya pa ng picture picturan nila.. sobrang sakit po yun,.. ano po ba dapat gawin? meron po bang kaso yung ginagawa ng asawa ko? Sanay matulong po ninyo ako.. Lubos po ako umaasa..