Ikinasal po kami nitong January 19, 2013 at kasalukuyan po akong buntis sa ngayon. Bago po kami ikinasal may 3 anak na po sa pagka binata ang mister ko mga edad 11, 12, 13. Nagkaroon na po sila ng settlement sa attorney na tiyahin ng ina ng mga bata dati pa mga 6 years na din po ang nakakaraan. tumupad naman po sa usapan ang mister ko na kada Linggo ay magbibigay sya ng halagang Php 700 bilang allowance ng mga bata dahil hindi naman po ganun kalaki ang sweldo ng asawa ko kada araw. Isa lang po syang banda at arawan ang sahod na kung minsan ay wala pa dahil hindi naman po araw araw ay may tugtog sila. Nagbibigay din po sya ng mga pangangailangan ng bata kagaya ng school supplies at pati meryenda ng mga ito, iba pa po ang binibigay ng mga kamag anak nya na nasa abroad na pasalubong o pera sa mga bata. Bilang legal na asawa at magkakaroon ng legal na anak sa mister ko ano po ba at hanggang saan ang karapatan naming mag ina? Sa ngayon po ay humihingi ng dagdag na sustento ang lola ng mga bata, tama po ba yun? di po ba na settle na yung usapan sa sustento ng mga bata noong hindi pa kami. Paano po ang para naman sa amin mag ina, sa akin po nakatira ang asawa ko umuupa kami ng bahay at nagbabayad ng mga bills. Hanggang saan po ang karapatan nila sa maliit na kita ng asawa ko? Bawat linggo na pagbibigay namin ng sustento at mga gamit ng bata ay pinapapirma namin sila, di po ba nararapat lang na hati sila ng dating kinasama nya sa bawat gastusin ng mga bata? hindi naman po apelyido ng ama nila ang ginagamit ng mga bata. Ang lumalabas po kasi ay halos lahat sa asawa ko na pinapasagot na sa palagay ko ay may karapatan na akong humadlang bilang legal wife.
Sana po ay mabigayan nyo kami ng tamang payo at kasagutan tungkol dito lalo na po at ang tiyahin ng dati nyang kinasama ay Councilor ng Olongapo City at isang attorney din. Umaasa po ako na sana ay matulungan nyo kami.
Lubos na gumagalang,
Wilar Reyes