Siningil ko siya. Kasi halos matatapos na ung school year pero hindi siya marunong magbayad ng kusa. Siningil ko siya ng mahinahon. Pero according to him, nakulitan siya sa paulit ulit ko.
Pinagbantaan niya ako na ibabato nya saakin ung gatas ng condensada sa tabi ng table niya at minura niya ako.
Nagalit ako. Siya na nga may utang siya pa ang may gana magalit. Nung kinukulit nia ako na pahiramin siya ng pera kahit na napakakulit nia hindi ko siya minura.
Sinabi ko "wala kang karapatang murahin ako" (ako pa nga kung tutuusin ang nagpapakain sau" kasi lagi ko siya nililibre naaawa ako dahil wala laging pera)
At sinabi ko kung ung pera mo na 13th month pinambayad mo sa utang mo kaysa ibinili mo ng ticket sa thailand baka ndi pa ko nagalit last year pa ng July ang utang mo,
At according to him pinapahiya ko siya
Sinampal ako ng bakla
nagulat ako at napasigaw sa sakit
alam ko pag lumaban ako matatalo ako
at naipatwag ko ang magulang ko by instinct .
At sinabi ng principal wala na ko pakielam sayo since pinatawag mo ang magulang mo.
Ako ang nagpamedico legal sa sarili ko.
Ayaw din nilang magsampa ako ng kaso nadadamay daw ang pangaln ng school.
At kakasuhan daw ako ng principal dahil sinisira ko daw ang pangaln ng school sa ginagawa ko.
At ndi nya raw ako bibigyan ng magandang recommendation sa next employer ko
magkakaroon daw ako ng bad record yan ang mga panakot nila saakin.
May laban ba ako pag tinuloi ko ang kaso?