Hingi lang po sana ng tulong regarding sa show cause memo na natanggap ko for gross and habitual neglect of duties regarding sa repeated absenteeism for 20+ consecutive days if anong dapat isagot or kung may laban po ba para di materminate
Una po na diagnosed ako ng clinical depression which naexperience ko start nung symptoms after ako siraan ng boss ko regarding sa performance ko at nung nalaman ko hindi totoo ung data nya nireport ko po sa upper management ung issue pero wala po silang ginawa. Umabot po to sa HR pero ang ending miscommunication lang daw po which is hindi ko po matanggap dahil 3 beses po niya eto inulit sakin at madami po sa company naming ang makakapagpatunay na nagppractice siya ng mali which lalo nagpalala ng naramdaman ko.
Ang reco po ng doctor ay ilipat ako ng department or site pero nung malaman ko po mismo sa head hr na base sa investigation nila walang mali nangyare at miscommunication lang ang lahat ay nainsulto po ako. First time ko po madiagnose ng gantong sakit at para sakin nakakainsulto na ng dahil lang sa miscommunication ay magkakaron ako ng gantong klase ng sakit. Tinanggihan ko po yung offer for a transfer dahil po if hindi pala ko nagkaron ng reco ilalagay padin nila ako sa same department kung saan tinamaan ako ng depression. For 20+ days hindi po ako makapasok dahil sa trauma sa company at walang accountability. Natatakot po kasi ako na maulit mangyare sakin eto dahil hanggang sa ngayon demoralized at demotivated padin ako para makapasok ng maayos. Ngayon po ay binibigyan ako ng show cause memo kung bakit ako di dapat iterminate
Salamat po