Last August 2015 nangutang bayaw ko ng 10,000 at kada 15 days daw sya magbabayad, katunayan na babayaran nya daw utang nya ay iniwan sa asawa ko ang atm card nya sa trabaho dahil duon daw pumapasok sweldo nya. Aug 18 nagpunta asawa ko sa bangko para magwithdraw ng 2,000 para sa initial na bayad sa utang na 10,000 ang kaso walang laman yung atm account at nalaman ng asawa ko na hindi na pala empleyado bayaw ko sa kumpanyang nag issue ng atm, tinawagan ng asawa ko kuya niya para kumprontahin sa atm na walang laman at di na pala sya empleyado duon sa kompanya at kung pano babayara yung unang 2,000, sagot ng bayaw ko sa asawa ko ay sa sunod na sweldo nalang sa katapusan ng August 2015, hanggang ngaun di parin nagbabayad bayaw ko at di narin sinasagot text o tawag ng asawa ko at hindi rin nakikipagkita sa amin at ang huling sinabi ng bayaw ko ay babayaran nya raw kung kelan nya gusto bayaran kung me pambayad na siya.
Sinabihan narin po ng asawa ko kuya niya na dadagdagan na niya ng 10% interest bawat buwan na hindi siya makakabayad dagdag pa ang 10,000 na una niyang utang.
Paano po ba ang proseso sa pagsampa ng demandang estafa?
Maraming salamat po sa inyong pagtulong o pagbigay ng advice.