Free Legal Advice Philippines
Would you like to react to this message? Create an account in a few clicks or log in to continue.
Free Legal Advice Philippines

Disclaimer: This web site is designed for general information only and does not create attorney-client relationship. Persons accessing this site are encouraged to seek independent counsel for legal advice regarding their individual legal issues.

Log in

I forgot my password




You are not connected. Please login or register

About po ito sa utang na wala kaming kasunduan

4 posters

Go down  Message [Page 1 of 1]

graceillo


Arresto Menor

ako po si grace ng bicol camarines sur. aminado po ako na nagkaroon po ako ng utang sa ex ko. way back 2014 pa po un. pero po hindi ko po alam if how much na po nahiramam ko sakanya wala po kasi ako lista na mga hiniram ko sakanya po kasi po alam ko naman na mababayran ko naman po un if ever meron na ko pero po now na hindi na kmi sinisingil na po niya ako sa halagang 309k raw po pero wala naman po kaming papel na pinirmahan o kasunduan na babayaran ko sa oras na un. noong nagkapera po ako pinadalhan ko po siya ng 35k. tapos po ngayon na nakaraang friday bgyan ko daw po sya ng 100k kasi kung hindi papakasohan daw po nya ko may ebidensya daw po sya yong mga txt ko na babayaran ko sya at ung mga smart padala na sinave nya noon pagpadala sakin. paano po kung nagpapadala po sya sa iba tapos sakin nya inaapply kaya umabot ng ganoon na halaga. sabi po nya papadampot niya daw po magulang ko sa pulis pati ako nagpagawa na raw po siya ng breach of statement. na wla naman po dumadating na sobpina sa address namin. kailangan po ba sumama magulang ko at ako? ikukulong po ba ako nito dahil sa otang ko? tanong ko lang madali lang po ba ang pagpapakaso? pag may sobpina na po sa bahay ilang days o weeks po maghahantay sa responce nila galing sakin? at ano po ang dapat gawin pag may sobpina o wala? sana po matulungan mo po ako atty salamat po

2About po ito sa utang na wala kaming kasunduan Empty utang na walang pinirmahan Tue Feb 09, 2016 1:40 pm

graceillo


Arresto Menor

nakikiusap naman po ako sakanya na magusap kami personal, pero ayaw po niya at sabi niya po sa korte nalang daw po kmi magkita. pinupush niya po na bayaran ko po ung 100k noong martes. or kahit daw po 30k kasi paghindi itutuloy niya daw and statement na ginawa para sakin. gusto ko lang po malaman kung tinatakot lang po ba ko na makukulong ako o nagsasabi po siya ng katotohanan. nagtry nadin po ako sabhin sakanya na kung pwede ako makiusap sa atty niya at ng maayos po problema na babayaran ko pag meron na po ako. ang witness daw po niya sa korte ay ung mga taong hiniraman niya para ipadala sakin which is po mga kaibigan niya un na hindi ko kakilala. tama po ba un na gawin niyang witness ung mga hiniraman niya? sana po makakuha po ako ng sagot galing sainyo.. makakareceive po ba ko ng warrant of arrest after ng sobpina?kakasohan po ba ako nito ng estafa?



Last edited by graceillo on Tue Feb 09, 2016 1:43 pm; edited 1 time in total (Reason for editing : karagdagan)

thepoetsedge

thepoetsedge
Reclusion Perpetua

"Walang nakukulong sa utang." - yan ang madalas na sabihin ng aming mga law professors.

Ito ay dahil sa kasong kriminal ka lang makukulong at magkakaroon ng warrant of arrest. Yung utang kasi, civil case lamang ito at di mo kailangang makulong para dito. Malamang, isang civil case for collection of a sum of money ang ihahablang kaso sa iyo kung itutuloy ng ex mo yung kaso sa korte.

Sa estafa kasi, kelangang mapatunayan ng iyong ex na niloko mo sya sa pamamagitan ng iyong pagtitiwala sa relasyon or sa mga aktong nagpapakita ng panlilinlang. Ayon sa kwento mo, mukhang kulang pa ang ebidensya para mapatunayan yun. Mas mabuti kung pupunta ka sa pinakamalapit na Public Attorney's Office para humingi ng libreng payo sa problema mo ngayon at para malaman mo rin kung ano yung mga dapat mong gawin kapag nakatanggap ka na ng subpoena galing sa korte.

Sana'y magkaroon ng nararapat na solusyon ang iyong problema.

graceillo


Arresto Menor

thank you po sa payo siguro po pag may pera na ako saka na po ako hihingi ng advice sa pinakamalapit na public attorney dito. pero po hindi po kaya tinatakot ako ng ex ko? may kapangyarihan po ba siya para sampahan niya ko ng ESTAFA? kahit hindi ko po ba siya kausapin o itxt about sa otang ayos lang po ba kasi po lahat ng text ko daw pinapabasa niya sa attorney niya. yong tanong ko po na totoo po ba ang warrant of arrest pag hindi ko sinagot if halimbawa may sobpina na? ang sabi po sakin ng kaibigan ko 60 days po ang palugit ko kung may sobpina na ako. tsaka ako dadalhan ng warrant true po ba un atty?

09127316797


Arresto Menor

pwede po mag tanong kung ano po pwedeng gawin kapitbahay namin may utang sa akin mag iisang taon na di pa nya binabayaran pero naka pirma sya sa akin ng blangko na papel magagamit ko po kaya yung pinirmahan nya sa akin pati ID nya naka photo copy at may tatlong pirma rin sya pwede ko po ba gamitin yung papel na pinirmahan nya na blangko at lalagyan ko na lang po?
maraming salamat po

thepoetsedge

thepoetsedge
Reclusion Perpetua

09127316797 wrote:pwede po mag tanong kung ano po pwedeng gawin kapitbahay namin may utang sa akin mag iisang taon na di pa nya binabayaran pero naka pirma sya sa akin ng blangko na papel magagamit ko po kaya yung pinirmahan nya sa akin pati ID nya naka photo copy at may tatlong pirma rin sya pwede ko po ba gamitin yung papel na pinirmahan nya na blangko at lalagyan ko na lang po?
maraming salamat po

You may do so kung yun nga ang intention nyong dalawa in the first place. Ano ba yung reason kung bakit ka nya binigyan ng ID photocopy with her signature?

Pwede kasing ma-challenge yung validity ng papel na yan since di sya valid contract, technically.

Tatlo kasi yung essential elements of a valid contract:
1. Nagkasundo kayo, may meeting of the minds, kumbaga. Lahat ng terms and conditions sa contract ay dapat napagkasunduan nyong dalawa.
2. May bagay kayo na pinagkasunduan (or service), at may bayaran na nangyari.
3. Walang namilit na magkasundo kayo. Freely done sa inyong dalawa ito.

Kung magdadagdag ka ng terms and conditions na di naman alam in the first place nung nangutang sa iyo, pwedeng mapawalang-bisa yan kasi di naman alam nung nangutang yung mga nakasulat doon. Ang dapat mong gawin ay wag sulatan yung pinirmahan. Pwede yun gawin additional evidence ng utang, pero ang contract nyo talaga ay verbal lamang since wala naman talagang napagkasunduan sa papel.

Punta kayo sa pinakamalapit na Public Attorney's Office (PAO) para makakuha din ng libreng legal advice para sa inyong problema. Malamang ay tutulungan nila kayong magsampa ng kaso sa Small Claims Court para sa pagkuha ng utang, depending kung gaano kalaki yung utang sa iyo.

LandOwner12


Reclusion Perpetua

Kalokohan yang blank paper n yan. Iligal at di pwede gamitin.

Sponsored content



Back to top  Message [Page 1 of 1]

Permissions in this forum:
You cannot reply to topics in this forum