Free Legal Advice Philippines
Would you like to react to this message? Create an account in a few clicks or log in to continue.
Free Legal Advice Philippines

Disclaimer: This web site is designed for general information only and does not create attorney-client relationship. Persons accessing this site are encouraged to seek independent counsel for legal advice regarding their individual legal issues.

Log in

I forgot my password




You are not connected. Please login or register

wala ba talagang nakukulong sa utang? (no cheque)

+3
rchrd
rollie002
Montero7512
7 posters

Go down  Message [Page 1 of 1]

Montero7512


Arresto Menor

nagpahiram ako ng 100K sa friend ko last year para sa placement fee nya to work abroad. We had contract pero walang collateral. Unfotunately, 1 month lang umuwi na siya so jobless na siya now. Pinabarangay ko siya, inamin naman nya yung utang. He arranged payment terms with barangay but still never paid. This June iaangat na daw sa municipal court yung kaso from barangay since di nga nagbayad. Iniisip ko kasi kung tutuluyan ko siya ng kaso sa korte, gagastos ako ng lawyer, etc, then at the end of the day, di pa rin ako mababayaran dahil jobless nga. Nautangan na ako nagastusan pa ako. Walang cheque na involve, contract lang so malabo yung estafa case?. Umaattend naman siya sa hearing sa barangay kaso kahit umattend siya, wala naman siyang pambyad dahil jobless nga, wala rin siyang property na pwedeng kunin since matagal na siyang sinusuka ng parents nya.

1. pwede ba siyang makulong sa breach of contract?
2. pwede ko bang singilin yung parents nya since may kaya yung parents nya kahit di sila guarrantor sa contract namin?
3. di notarized yung contract at sa abroad ang contract signing namin, valid pa rin ba ito?

any advice ?

Thank's a lot in advanced.


rollie002


Arresto Mayor

he cannot be penalized since the constitution guarantees that no person shall be imprisoned for non payment of debt. I believe you cannot compel his/her parents to pay the debt since the contract binds only the debtor and creditor. A the requisites of contract is consent, object, and cause. Generally, a contract is perfected by mere consent. it requires no form unless stated by law. the contract is valid. My advice is to have him make a promissory note. Even if you file against him/her, you won't garnish anything since he/she has no property. Think what is best before you act. i hope it helps

Montero7512


Arresto Menor

actually willing naman na akong mag let go at move on na since kahit anong gawin ko wala talaga akong mababawi since tambay siya all his life. Yung parents ko lang kasi gigil na gigil na makulong siya though it is not their money, its mine. Well i understand them naman.

merci beaucoup!

rchrd

rchrd
moderator

"Pinabarangay ko siya, inamin naman nya yung utang. He arranged payment terms with barangay but still never paid. This June iaangat na daw sa municipal court yung kaso from barangay since di nga nagbayad." xxx

Hindi sya pwede makulong dahil sa utang niya pero pwede syang makulong sa pang-gogoyo nya sa yo. Estafa o swindling ang tawag don dahil nagkunwari syang uutang at magbabayad pero sa mulat sapul eh wala pala syang balak. kanya lang, wala kang mapapala unless masaya kang napakulong mo sya.

dun sa barangay, sabi mo he arranged for payment so there must have been a Settlement signed by him (including you and the barangay officials) acknowledging his debt. Part of the duty of the Brgy Chairperson is to execute the "Settlement" (Kasunduan/ Brgy Settlement/Amicable Settlement etc.). Kung di na kaya ni kapitan kaya sinabing iaangat na daw sa Municipal Court, ang tawag don ay "Petition for Execution of Brgy Settlement under Section 172 (not sure of the part section/article) of the Local Govt Code.

rchrd

rchrd
moderator

dahil nakasingil ka na ng konti sa pautang mong 100K, pwede ka rin sigurong maningil by going to the Municipal Trial Court then => ask for a blank form for Small Claims and fill up the blanks by requesting assistance from the personnel there. Walang kulong if u will pursue either "Execution of Brgy Settlement" or "Small Claims" pero baka makasingil ka pa.

However, if the amount not paid is a very small,better forgive your friend and forget the money.

Montero7512


Arresto Menor

ganito kasunduan sa barangay.

1st(July 2010), nag signed siya na magbabayad siya ng 10K x 10 months starting June last year. Kahit piso di nagbayad.

2nd(December 2010), since di siya tumupad, nag signed ulit siya at binigyan siya ng palugit ng barangay na mabayaran lahat yung 100K on or before June 30, 2011, part by part or isang bagsakan na lang its up to him. Pag daw di nabayaran yung utang this June 2011 iaakyat na daw sa korte. June na ngayon, i dont think may plano talaga siyang magbayad.

Just want to make it clear, Kahit piso wala akong natatanggap na bayad, puro pinirmahang papel lang.

Enough na ba ito para makasuhan siya for swindling or estafa? from what i know kasi, walang cheque, walang estafa. Kung mapapakulong ko siya, sure ako, mapipilitang magbayad yung parents nya, kaya naman nila, gusto lang nilang turuan ng leksyon anak nila
Kung di ko siya mapapakulong, well, i loose both, di ko na siya napakulong, di pa ako mababayaran since jobsless siya at walang property.

Salamat sa mga replies...

rchrd

rchrd
moderator

There are many types of estafa. estafa involving checks is just one of them.

Tama ka sa sinabi mo na pag nakakulong eh siguradong lalabas ang pera nila.

I suggest that you have to wait for the conclusion of the Barangay case first. Di maganda na nagsasabay sila.

If the Brgy case fails, you can go to the Office of the Prosecutor sa lugar ninyo. You will not spend much. Kung gumastos ka nang mga kulang sampu tapos nagbayad sila nang 80 thou, at least meron ka pa ring nabawi.

God bless.

Out muna ako. I hope that helped.

caress26


Arresto Menor

gud pm..ganito din ung situation ko..pinapirma ko sa brgy.kasi hiniraman ko ung tito ko ng 20k..tapos wala siyang work hanggang umabot ng 44,000 ung interest..bali 64k na lahat..nung last kmi na nag usap nagbabayad ko ng 20k pero ayaw nila tanggapin kasi gusto sa interest ibabawas..di naman kami pumayag kahit sabihin ng makapal na mukha ko kasi gusto ibalik ung principal tapos ung interest hulugan ko n lang..pede po ba ko makulong dito?ano po ba pede nila isampa sakin?kasi kahit papaano po natatakot din po ko..thank in advance

attyLLL


moderator

i don't think a criminal case will prosper, but they can file a collection case

https://www.facebook.com/BPOEmployeeAdvocate/

caress26


Arresto Menor

ano po ba ang collection case?small claims ba un?nagamit namin kasi ung pera na 20k kasi nagka emergency kasi sa father ko at alam nila yon wat happend... ok lang po ba i suggest na hulugan ko na lng hanggang matapos?

attyLLL


moderator

it will likely be a small claims case.

https://www.facebook.com/BPOEmployeeAdvocate/

caress26


Arresto Menor

ah ic..thanks atleast kahit papano nakahinga ko..godbless atty.

winzky


Arresto Menor

sir, sa pagpafile po ba ng answer sa summon within 10 days, kasama po ba ang weekends and holidays? pwede po bang magrequest for extension at paano po ang process? nareceive po kasi yung summon last october 27. At may bayad din po ba ito pag nafile po sa SCC? Kailangan din po bang nakanotaryo ang sagot sa summon? maraming salamat po...

attyLLL


moderator

yes, it's 10 calendar days. i assume this is under summary process. there are no extensions allowed. no fee

https://www.facebook.com/BPOEmployeeAdvocate/

caress26


Arresto Menor

atty.my binigay silang sulat sakin binigay ng manugang nila inabot sakin on the next day my dumating na sulat sakin galing post office same content same sender..nakalagay po doon na:

in this connection, the undersigned is giving you 10 days from receipt of this letter to settle your obligation plus interest, otherwise she will be constrained to file necessary case aginst you in court.
your understanding and cooperation with resperct to this matter will be highly appreciated.

atty.demand letter na po ba 2?
wala kamsi ko talaga pera ngaun to settle my utang sa kanila,eh ayaw naman nila hulog hulugan ko..atty.what if di ko na alng pansinin yong letter na yon at hayaan ko na alng i court para naman atleast mababaan ung interest na icocompute nila tapos hulog hulogan ko na lang hanggang matapos pwede ba yon?ano po bang magandang gawin? ayaw naman nila makipag usap sakin pag may ask ko o option ko para makabayad ko?thanks in davance atty.

attyLLL


moderator

yes, that is a demand letter. either negotiate or just wait for their move

https://www.facebook.com/BPOEmployeeAdvocate/

hard_headed_gal


Arresto Menor

Ganyan rin halos ang kaso ng kapitbahay ko......

Pwede po bang kasuhan ng ESTAFA ang taong may utang ng 4,000 sa isang taong nagpapautang na may 25%/month. Last May pa po yun nangyari at nakapagbigay na ng tubo ng mahigit 4,000.Pinipilit ng nagpautang na ibigay na ang kapital na 5,000 raw pero wala talaga ipambabayad. Nangako ang nangutang na babayaran ang utang sa May 2012 pero ayaw pumayag at sinabing kundi mababayaran hanggang katapusan ng November, hintayin na lang ang WARRANT dahil magdedemanda na siya.
Sapat na po ba ang dahilan niya na magsampa ng kaso gayung mas malaki pa ang magagastos niya sa demanda kaysa sa hinahabol niyang halaga.

caress26


Arresto Menor

atty.nakatanggap po ko ng summons..dec.15 po ang 1st hearing namin.. ask ko lang po kasi bakit po ang complainant e ung kapatid? hindi mismo don sa nautangan ko??every brgy.hearing ung nakautangan ko at ung kapatid nia lagi pumupunta..kaso wala dito ung nautangan ko asa manila ung kapatid niya ang nag file..

1.atty.valid po ba un kahit di siya ung nakahiraman ko kapatid lang siya?

2.ano po pwede kong gawin para ung mismong nakahiraman ko ang dumalo sa hearing namin??

kasi parang ang labas nito 2 silang nautangan ko..

thanks.. Smile


caress26


Arresto Menor

atyy.kumbaga umutang ko kay person 1... pero ang nagsampa si person 2 which is the kapatid.. kasi gus2 ko po sana ung person 1 kasi siya naman nakuhanan ko.. pwede pa po ba yon papalitan?? or finale na un?

Sponsored content



Back to top  Message [Page 1 of 1]

Permissions in this forum:
You cannot reply to topics in this forum