Namasukan yung babaeng kapatid ko last November. She's 16 at bago ko siya pinayagan pumasok, bilang legal guardian nya, kumonsulta muna ko mom namin na nasa probinsya. Una hindi pumayag pero dahil kailangan namin ng pera at gustung-gusto ng kapatid kong magkapera, pumayag ang mama ko pati na ako.
Ang nangyari ngayon, umuwi ang kapatid ko ng probinsya na hindi ako sinabihan. Nang matanong ko siya, sabi nya nakakaranas daw siya ng pagbubunganga ng amo nyang lalaki kapag wala ang amo nyang babae kaya daw gumawa siya ng paraan para makaalis. Nagdahilan siyang namatay ang lola namin kahit matagal na siyang patay. Tumawag ang amo nya sakin na sinasabing kinuha daw ng kapatid ko ang perang pambayad ng tutor for P3500. Hindi naman ako nainform kaagad na ganoon, pati mama ko walang alam sa nangyari. Magfafile ng kaso ang mga amo ng THEFT laban sa kapatid ko. Hindi ako nagkulang sa pagbibigay ng impormasyon sa kanila, sa kagustuhan ko ring makipagcoordinate para gawin ang nararapat. Handa ko namang bayaran yung P3500 na yun pero sa Wednesday, January 20 pa ang sweldo ko. Binibigyan nila ng palugit ang kapatid kong magbayad hanggang kahapon ng gabi, January 16. Pero sarado na ang isip ng mga amo ngayon, ayaw nang makipagcoordinate samin at bahala na daw kaming iresolve ang kaso. May mga tanong sa isip ko na alam kong legal consultant lang ang makakasagot. Una, kung magkakarecord ba ko sa pulisya dahil kinunsinti kong magtrabaho ang kapatid kong menor de edad. Pangalawa, kung meron ba kaming maicocounter na kaso laban sa mga amo. At pangatlo, kung makukulong ba ang kapatid ko. Sana po matulungan nyo po ako dahil first time na maiinvolve ako sa isang kaso kung saka-sakali. Call Center agent po ako at wala po akong alam kung gagawin. Salamat po.