Itatanong ko lang po sana kong ano pong dapat namin gawin. Nabanga po ng lasing na koreano ng isang Van ang trycicle namin. Mabilis po ang takbo at ang pagkakasalpok sa trycicle namin.
Wala pong lisensya ang daddy ko at mahirap lang kami pero nakarehistro po ang trycicle namin at my insurance po ang tatay ko.
Tumilapon po ang tatay ko at nagpagulong gulong ang trycicle sama ng aking ina.
Nagkasundo naman po ang koreano at ang tatay ko sa halagang 13,000 pero ang tatay ko po ay puno ng bugbog at ang nanay ko po ay may malaking sugat at hindi makahiga sa sakit ng katawan. Sa tuwing nasasangi ang nanay ko siya po ay napapaluha. Nadudurog po ang puso ko pag nakikita ko sila.
Tinulungan kami ng Koreano gusto ko lang po malaman kong pwede pa po naming ihabol ang pagpapa CT scan ng magulang ko at xray kung may napinsala man sa kanilang katawan.
Kapag po ba tumanggi ang koreano my karapatan po ba kaming magdagdag sa napagkasunduan.?
Pwede po ba kami magsampa ng kasong reckless imprudence?
Ano pong magiging kaparusahan ng tatay ko dahil wala po siyang lisensya?
Kami po ang binanga.
Kasali po ba sa pagkekwenta ang perwisyong idinulot samin sapagkat nawalan po kami ng sasakyan at nwalan po kami ng pinagkakakitaan.