Free Legal Advice Philippines
Would you like to react to this message? Create an account in a few clicks or log in to continue.
Free Legal Advice Philippines

Disclaimer: This web site is designed for general information only and does not create attorney-client relationship. Persons accessing this site are encouraged to seek independent counsel for legal advice regarding their individual legal issues.

Log in

I forgot my password




You are not connected. Please login or register

Drunk Driver vs. Careless Driver

3 posters

Go down  Message [Page 1 of 1]

1Drunk Driver vs. Careless Driver Empty Drunk Driver vs. Careless Driver Mon Dec 17, 2012 10:53 am

nocrishe


Arresto Menor

Paano po kung nagkabanggaan ang isang tricycle at isang motor kung saan ang parehong driver ay student lang ang lisensya? Yung isa ay nakainom (driver ng motor) at yung isa naman ay wala sa tamang daan (driver ng tricycle). May pananagutan rin po ba yung may ari ng mga sasakyan kung hinayaan nilang magmaneho ang taong wala namang propesyunal na lisensya? Dahil sa nasabing aksidente, nadurog po ang mga buto ng aking ina na nakasakay sa tricycle kaya balak naming maghabla. Sinu-sino po ang pwede naming kasuhan at ano po ang mga pwede naming hinging bayaran ng maysala? Maraming salamat sa mga magre-reply!

2Drunk Driver vs. Careless Driver Empty Re: Drunk Driver vs. Careless Driver Wed Dec 19, 2012 7:54 am

shad_marasigan


Reclusion Perpetua

pareho po, contributory negligence. kung ako sa inyo, mag settle na lang. tutal parehong may kasalanan.

3Drunk Driver vs. Careless Driver Empty Re: Drunk Driver vs. Careless Driver Wed Dec 19, 2012 8:12 am

AWV

AWV
Reclusion Perpetua

isa ka ba sa nagmamaneho?
bibigyan kita ng halimbawa may isang doctor lasing ngunit may driving license nakabangga at ang nabangga ay isang sasakyan na ang nagmamaneho ay hindi lasing ngunit walang lisensya! ngayon kasalanan ng doctor pero ang lumabas eh ang taong walang lisensya ang may kasalanan! bakit ika mo? kasi legal syang magmaneho dahil may lisensya sya di tulad nung isa walang lisensya sa batas ng trapiko talo ang walang lisensya!
So kung pareho silang learner driver at walang kasamang professional driver na may driving license at nag drive mag isa bawal yan! kaya dapat maareglo bago pa lumala ang kaso! pero kung pasahero lang kayo! sabit pareho ang driver kaya dapat pareho silang umareglo sa pasaherong nadisgrasya!

4Drunk Driver vs. Careless Driver Empty Re: Drunk Driver vs. Careless Driver Wed Dec 19, 2012 5:24 pm

nocrishe


Arresto Menor

hindi po ako ang driver. nagkataon po na isa sa mga pasahero ng sinasakyang tricycle ng nanay ko ay professional driver. pero hindi po siya sumama para iassist yung tricycle driver kundi para mamalengke rin tulad ng aking ina. ibig bang sabihin mababawasan ang pananagutan nya at ng kanyang ama na may-ari ng sasakyan? malaking bagay ba na nasa maling daan siya kahit na nakainom yung isa pang driver?

5Drunk Driver vs. Careless Driver Empty Re: Drunk Driver vs. Careless Driver Wed Dec 19, 2012 5:29 pm

nocrishe


Arresto Menor

tungkol naman po sa settlement. nung una po napag-usapan na nung dalawang driver na sasagutin nila ang medical bills ng nanay ko. pero nung lumaon, di na sila magkasundo kung ano ang parte ng bawat isa. pwede rin ba kming humingi ng kabayaran katumbas ng nawalang kita ng nanay ko sa pagtitinda habang nagpapagaling siya?

6Drunk Driver vs. Careless Driver Empty Re: Drunk Driver vs. Careless Driver Wed Dec 19, 2012 8:41 pm

shad_marasigan


Reclusion Perpetua

opo maari po kayong mag compute ng actual damage. singilin ninyo po un sa dalawa. pag hindi po sila magkasundo, habulin ninyo ang mas mapera ung kabubuuan ng lahat ng danyos tapos ung nahabol ninyo po siya na ang bahala doon maghabol sa kabilang party na nakabunggo din. pag nirefuse sabihin nia, sabihin ninyo magsasampa po kayo ng reckless imprudence resulting to serious physical injury. pa blotter ninyo po sa pulis at sa barangay para may mga records tayo po.

7Drunk Driver vs. Careless Driver Empty Re: Drunk Driver vs. Careless Driver Thu Dec 20, 2012 4:08 am

nocrishe


Arresto Menor

nagtuturuan po yung dalawang kampo kung sino ang may kasalanan. hindi po nila sasagutin yung kabuuan ng medical bills so kailangan po talaga naming magsampa ng kaso. tungkol naman po sa blotter, swerte po na may rumisponde agad na pulis kaya naidokumento lahat nung nangyari sa aksidente.

8Drunk Driver vs. Careless Driver Empty Re: Drunk Driver vs. Careless Driver Fri Dec 21, 2012 8:41 am

shad_marasigan


Reclusion Perpetua

sa complaint mo pareho mo silang gawing defendants.

Sponsored content



Back to top  Message [Page 1 of 1]

Permissions in this forum:
You cannot reply to topics in this forum