- hindi po siya pinapayagang makipagkaibigan. nagagalit sila kapag nakitang kasama po namin siya.
- dinedecide ng parents niya ang buhay niya.
- binabantayan po siya nang mahigpit buong magdamag dahil alam ng parents na nagbabalak po siyang umalis.
Kaya gusto na ng friend ko na maging independent. May trabaho naman po ang friend ko at kaya naman po niyang buhayin/suportahan ang sarili niya, at kaya naman po namin siyang tulungan kung talagang kailanganin.
Eto po ang mga tanong ko:
- May legal right po ba ang friend ko na umalis ng kanilang bahay at mabuhay nang independent?
- May legal right po ba ang parents na pigilan siyang umalis?
- Ano po ang pwedeng gawin ng friend ko para makaalis?
May isa pa po akong kaibigan na nasa similar na sitwasyon, hindi rin pinapayagan ng family na umalis ng bahay kahit may anak na at may trabaho naman.
Maraming salamat po.