Gusto ko po sana humingi ng tulong at advice sa kinasangkutan ko pong gulo. Umaasa po ako na mapansin nyo at mabasa tong sulat ko.
Way back 2006 po nagpakasal po ako sa hapon gamit ang pangalan ng tiya ko at nakarating po ako ng japan.
2009 po mag divorce po kami ng hapon na pinakasalan ko.
Nabuntis po ako ng bf ko nun at balak ayusin lahat mula sa peke kong pangalan na gamit.
Sinurender ko po sa Tokyo Philippine Embassy ang passport na gamit ko at siniwalat ko po ang pagkakamali ko.
Nabigyan po ako ng passport sa tunay kong pangalan.
Nakapag pakasal po kami ng bf kong hapon at sumuko din po ako sa japan immigration nagoya at sinabi lahat mula sa simula.
After ilang buwan ng paghihintay. Nabigyan po ako ng chance na manirahan ng normal dito sa japan.
Nabigyan ako ng japanese spouse visa tunay ko pong pangalan na.
Anak ko po ngaun ay 6years old na.
Ang problema ko po is ang tiya ko po na may ari ng pangalan na ipinakasal ko dati ay nagbabalak na magpakasal ngaun.
Di po sya mapapag pakasal kasi lumalabas sa record nya na kasal parin sya sa pinas.
Ang hapon po na may pinakasalan ko sa pangalan nya ay namatay year 2012.
Ngayon nung pumunta ako sa office kung saan pede makakuha ng death certificate nya at pinaliwanag lahat.
Di po ako mapag bigyan sa kadahilanang wala na daw po akong karapatan. Na divorce ng 2009 pa lang eh 2012 na namatay ang hapon kaya wala na daw po akong karapatan makakuha ng death certificate dahil matagal na kaming hiwalay.
Pero na nabigyan po ako ng original copy ng divorce papers at residence certificate nung hapon stated na namatay na sya.
Date lang po nakalagay dun na patay na sya. At ayaw tanggapin ng civil registral ng pilipinas dahil need talaga death certificate.
Maam/ Sir.. Tulungan nyo po ako sa mga dapat kong gawin.
Hangad ko po na makasal ang tiya ko. Ano po ang mga dapat kung gawin at ano po ang mga dapat kong kakailanganin.
Patawarin nyo po ako sa mahaba kong sulat.
Wala na po akong ibang malapitan dahil na rin sa kakulangan ng alam at budget na rin.
Masagot nyo po sana ako.
Umaasa po ako nagpapasalamat po ng sobra sa panahon na pede nyong malaan sa akin.
Maraming salamat.