Una sa lahat bago-bago pa lang po ako sa company ko, almost 4 months, at as in first time ko lang mapunta sa ganun field. I had never undergone into proper training or orrientation. Tinuruan nila ako ng kalakaran sa opisina on the spot at gusto nila makuha ko agad-agad un, tapos pag magtatanong ako parang unwelcome ang tanong sa kanila. May mga instances pa pag nagkakamali ka pinapahiya ka sa harap ng iba O pati deffect ko ginagamit nila (malabo po kasi Mata ko, thick glass talaga. Nung nagkamali ako bigla nya akong sinabihan ng "nakasalamin ka na nga Di mo pa din makita Mali hahaha" sa harap ng iba in insulting/ sarcastic tone). Di ko pinansin un nung una, pero nung sumunod na instance naman may inuutos sya na Di ko nasunod dahil nga Di ko masingit at di naman ganun kaimportante nagalit sya at sinabihan nya ako na tatamad-tamad na dinig ng iba (which is very offending dahil super busy ko naman talaga at same level lang naman kami pero kung makautos sya patang mas angat sya sa akin). Madami pang bullying na nagawa sila at kinausap ko na ung boss ko regarding this matter pero di naman nagbago Lalo pa silang lumalala. Pinayuhan din ako na wag magtanong sa kanila na sinunod ko naman, kaso pag may Mali ako instead tawagin ako pinaparingan ako which I think is very unprofessional or kung may bago silang dapat ituro lahat tinatawag nila except sa akin. If ever ba na after ko ireklamo sila sa Hr namin at di pa din magbago may pwede ba akong ihabla na kaso sa taong ganun?
Thank you po sa sago