Magandang umaga po. Gusto ko lang po humingi ng advice regarding po sa loan ko sa isang lending po dito sa pilipinas. Ginamit ko po yung pera pang placement ko for Taiwan. Nakahiram po ako sa kanila ng 80k. Ang monthly amortization ko po dun is 5,907 Taiwan Dollar for 16 months. Pero unluckily po napauwi po ako dahil nagkasakit po ako sa Taiwan. Sa madalit sabi po hindi pa po ako nakapagbayad kahit minsan. Pero ayon po sa contract namin by January 05, 2011 pa po ang unang monthly payment ko. Ngaun po pinupwersa po ako ng lending na magbayad ng partial. Nakapag provide po ako ng 10k last week at ibinayad ko po yun sa opisina nila, pero ang nilagay po nila sa resibo ay penalty daw po un? Pano po nagkaroon agad ng penalty ung loan ko eh January 05, 2011 pa po ang first schedule of payment ko. Pwede ko po bang ilaban ung dating contract namin na 5907 Taiwan Dollar for 16 months na terms ng loan ko. Salamat po.