Nais ko lang po humingi ng advice yung asawa ko po Seaman sa Maersk bale pangatlong sakay na po nya, everytime magssign sya ng contract meron dito sa Pilipinas bago sya umalis at meron din sa barko pagsampa nya, nung mga una nyang alis mababa po talaga yung nakaindicate na sahod sa contrata dito sa Maersk kasi sabi po for formality lang daw yun kasi para mas mababa babayaran nila sa POEA, mas mataas nman yung pipirmahan nya pagsampa sa barko at yun po ang susundin. Pero ngayung pangatlong sakay na po nya nagiba napo yung pinipirmahan daw dito bago sumampa ang susundin. Inireklamo nya po sa Kapitan nila pero wala din po magawa, kanino po dapat kami humingi ng tulong na tanggapan sa DOLE po ba o POEA...tama rin po ba ginagawa nila na magkaiba yung detalye sa contract yung sweldo po magkaiba. Salamat po sana po matulungan ninyo ako.