Lagi akong nag coconsult sa ob-gyne ko tinetest nya ako palagi at okay naman yun pero nung umuwi ang husband ko at may nangyari samin after ulit ako itest meron na akong nakadiring sakit na nahawa saakin ng husband ko but ill try to understand him. Ilang beses nya akong hinawaan pero dahil sa mahal ko sya pinatawad ko sya. Ngayong taon na ito nagsara ang kompanya nila sa ibang bansa kaya napilitan syang umuwi. Lalo po syang naging worst gabi gabi nag susugal at nag iinom tapos sya pa ang humingi ng hiwalayan. Nandito kami ng anak ko sa bahay namin at sya naman sa magulang nya umuuwi. Hinihiling ko sana na wag mawala yung sustento sa anak namin pero ano daw ang gagawin nya wala syang trabaho pero may kasamahan sya sa ibang bansa na nagsabing malaki ang ibinayad sa asawa ko sa pagkaka tanggal sakanya.
Ngayon tumawag ako sakanila apat na araw na daw hindi umuuwi doon ang asawa ko dala ang kotse. Sa tingin ko naman hindi nag papanic yung mga parents nya na nawawala na sya feeling ko tinataguan na kami ng anak ko. Nabuksan ko ang facebook nya at nabasa ko doon na may bago syang babae. Gusto ko na pong idaan sa legal ang lahat hirap na hirap na po kasi ako ano po ang dapat kong ikaso or gawin sakanya? Salamat po in advance.