Isang taon na po kaming hiwalay ng asawa ko, may 2 kaming anak na pareho ng nasa hustong gulang at parehong kasama ko sa bahay...iniwan ko ang Mr ko dahil sa bisyo, droga at sugal. Nabaon ako sa utang, at lagi akong tinatakog kung hindi ko sya nabibigyan ng pera, praning na po sa madaling salita. Iniwan ko sya isang taon at kalahati na, pero hanggang ngayon ginugulo nya ako sa aking trabaho, tinatawagan, pinipilit na makisama sa kanya at kung anu-anong mga text message ang natatanggap ko, nagpalit ako ng number, pero dahil alam nya ang telepono ng pinapasukan ko ay tinatwagan pa rin ya ako. Hindi na po ako magkaroon ng peace of mind, sa pag uwi ko sa gabi sobrang natatakot ako sa aking kaligtasan, at pati pag tulog ko ay apektado na, kasal po kami. Maari ko pa syang kasuhan, kung pwede po ako ang pwede kong ikaso sa kanya?
Gumagalang,
sundaysat